Kumalat na ‘photo scandal’ nina Paulo at Jasmine pineke

pailo avelino

TRENDING sa social media ang kumalat na “dinner date” picture nina Paulo Avelino at Jasmine Curtis Smith, at iba-iba ang nabasa naming reactions mula sa mga netizen.

May mga nagsabing playgirl si Jasmine dahil kakahiwalay lang nito kay Sam Concepcion ay may kapalit na kaagad. May mga nagsabi ring inahas ni Jasmine si Paulo kay KC Concepcion na balitang nagkakalabuan na rin.

Nag-post naman ng mensahe si Paulo sa kanyang Instagram account nang mabasa niya ang tungkol sa kontrobersiyal dinner date, sinabi nitong makikitid ang utak ng ibang tao.

Timing naman na tumawag sa amin ang isang taong malapit kay Jasmine kaya naitanong namin ang tungkol sa isyu.
“Hindi naman totoong nag-date, halatang na-crop ang picture kasi grupo sila, group-chat ‘yun, ‘Mara’ (bagong pelikula) group, sina Isabelle Daza, magkakaibigan sila, kasama si direk Borgy Torre, ‘yung assistant director sa movie nila.

“Ako rin kasama sa group chat, pero that time wala ako. Magkakaibigan sila, walang anumang namamagitan sa kanila. Sabi nga ni Jasmine, dapat kinunan din sila, ‘yung maraming-marami sila sa grupo,” sabi pa ng aming kausap.

Natatawa nga raw ang buong grupo kasi halatang kina Paulo at Jasmine lang daw naka-zoom yung kamerang ginamit at dinedma na ‘yung ibang kasamahan nila.

Read more...