Alex wala pa ring dyowa: Hindi niya kasi ako matarget-target!

alex gonzaga
There is no such thing as overexposure kay Alex Gonzaga.

She’s everywhere kasi. She’s, to us, the little version of her Multimedia sister Toni Gonzaga kasi kung saan-saan siya nakikita. Katatapos lang niya sa The Voice Philippines, meron pa siyang ASAP and now she has a regular teleserye, ang Inday Bote where she plays the lead character.

“Hindi naman po, kasi yung iba ko pong show, hindi naman po ako babad na palaging nakikita. Hindi naman ako sobrang ako lang. So, I think, ano po ‘yun…and it’s always the call of the management.

Tayo naman, artista nila tayo, employee nila tayo. Kung saan nila tayo dadalhin, kung saan ‘yung gusto nila, ‘yun yung gagawin natin,” came Alex’s explanation when asked kung hindi ba siya natatakot sa overexposure.

Nang matanong about lovelife, kung tinatarget niya itong makamit this year, Alex said, “Hindi rin niya kasi ako tinatarget, ‘yung love life. Hindi rin niya ako matarget-target.”

“Alam mo, okay lang iyon. I’m loving life, that’s my lovelife. I lovelife. Kasi hindi mo kailangang pilitin ang isang bagay na hindi para sa ‘yo. Katulad na lang ng Inday Bote, ‘di ba, hindi ko naman ipinilit pero ibinigay sa ‘yo.

Kung para sa ‘yo, para sa ‘yo. Ganoon din siguro ang lovelife,” dagdag pa niya.

Read more...