HEART: Wala kaming relasyon ni SID LUCERO!

Mariing dinenay ni Heart Evangelista na magdyowa na sila ni Sid Lucero, isa sa mga leading man niya sa seryeng Legacy ng GMA 7.

Ayon kasi sa mga chika, na-develop ang dalawa sa halos araw-araw na pagsasama nila sa Legacy.

Inimbita pa nga raw ni Sid ang aktres sa isang dinner with his family.

“No, but I bumped into his family Mother’s day when I was in Rockwell, ‘yun lang ‘yun.

Actually, I’ve known his family for a while. And I’ve met Max (Maxine Eigenmann), Sid’s sister, a long time ago pa.“Sid and I are very good friends and we hang out a lot. So, nakilala ko na sila dati pa. But we’re really good friends.

And it’s so funny kasi when you’re doing a soap and you’re with this person, right away, you’re romantically being linked,” chika pa ni Heart.

Pero inamin niya na gumigimik siya kasama ang aktor, “Oh, I go out with Sid all the time, not just with Sid alone but with groups.

Actually, the whole Legacy cast, we’re very, very close. So, yeah, we all go out.”

Tungkol naman sa ex-boyfriend niyang si Daniel Matsunaga, may chance pa kaya na magkabalikan sila?

“Well, I think I need my time away from that person… we both need our time away from that.

Of course, a breakup is always, you know… goodbyes are, you know, always sad,” sagot ni Heart kasabay ng pagsasabing okay naman daw ang lagay ng puso niya ngayon.

Speaking of Legacy, in fairness, winner na winner pa rin ito sa ratings game.

In fact, mas tumataas daw ang nakukuhang rating nito these past few weeks dahil mas nagiging exciting na ang bawat episode.

Puring-puri rin ng marami ang acting ni Heart sa serye, pati na rin nina Alessandra de Rossi at Lovi Poe.

Kaya huwag na kayong bibitiw sa nalalapit na pagtatapos ng Legacy sa GMA TeleBabad.

Kanino nga kaya mapupunta ang Legacy at sinu-sino ang mawawala sa eksena at sinu-sino ang magtatagumpay sa nalalapit na ending ng serye?

Read more...