Pagkikita nina Julia at Claudine sa debut party naging madrama

julia barretto

Nagningning ang kagandahan ni Julia Barretto sa kanyang debut nu’ng Martes ng gabi na ginanap sa Makati Shangri-La Hotel Ballroom kung saan nagkasama-sama nga ang ilan sa kanyang mga kapamilya na magkakaaway.

Star na star si Julia sa kanyang red gown na gawa ng sikat na fashion designer na si Michael Cinco.Hindi binigo ng kanyang mga magulang si Julia sa kanyang 18th birthday dahil present pareho sina Marjorie Barretto at Dennis Padilla, sey nga ng komedyanteng ama ni Julia, hinding-hindi niya malilimutan ang gabing ‘yun kung saan nakita niya kung gaano kamahal ng kanyang mga kaibigan at iba pang kapamilya ang anak.

Naging emosyonal din ang pagtatagpo nina Julia at Claudine Barretto sa nasabing event kaya maraming bisita ang na-touch. Ito rin ang nagsilbing saan para magkabati sina Claudine at Marjorie na nagkaroon ng alitan noon dahil na rin sa isa pa nilang kapatid na si Gretchen.

Hindi nakapunta si Greta sa debut ni Julia dahil mas pinili nitong magbakasyon sa London kasama ang anak na si Dominique. Naroon din sa okasyon ang mga magulang ng Barretto sisters na nagsabing unti-unti nang naaayos ang mga problema ng pamilya.

Ilan sa mga malalapit na kaibigan ni Julia na dumalo sa kanyang espesyal na araw ay sina Kim Chiu, Rayver Cruz, Daniel Padilla, Kathryn Bernardo, Matteo Guidicelli, Enrique Gil, Liza Soberano, Janella Salvador, at marami pang iba.

Pero ito ang chika, totoo nga kaya na hindi man lang daw nag-usap sina Marjorie at Dennis during the event? As in parang wala lang daw nang magkrus muli ang kanilang landas?

Okay na ‘yung magdedmahan sila kesa naman gumawa pa sila ng eksena, di ba? Baka masira pa ang debut ng anak nila.

Read more...