Claudine, Raymart muling nagkita para sa 2 anak

raymart santiago
MULING nagkrus ang landas ng estranged couple na sina Raymart Santiago at Claudine Barretto. Naganap ang “reunion” ng dalawa nang samahan nila ang kanilang mga anak sa isang fun run na in-organize ng kanilang school.

Kumalat sa social media kahapon ang mga litratong ipinost ni Claudine sa kanyang Instagram account kung saan makikita ang magkahiwalay na kuha nila ni Raymart kasama sina Santino at Sabina.

Nagkita ang dalawa sa Multiple Intelligence International School’s Green Movement Fun Run na ginanap sa UP Diliman, Q.C..
Ngunit bigo ang kanilang mga tagasuporta na makita sa mga nabanggit na litrato na magkasama sina Raymart at Claudine.

Marahil ay desisyon na rin ng nagkahiwalay na mag-asawa na huwag nang magpakuha nang magkasama.Hanggang ngayon ay dinidinig pa rin sa korte ang mga kasong isinampa nina Claudine at Raymart laban sa isa’t isa, kabilang na diyan ang kasong Anti-Violence against Women and Their Children Act of 2004 at ang custody ng kanilang mga anak.

Nauna rito, nagsalita si Raymart na okay lang na magkaayos sila ni Claudine pero wala nang magaganap na balikan dahil talagang nawala na ang pagmamahal niya sa ina ng kanyang dalawang anak.

Pero sabi nga, mahirap magsalita nang tapos, malay mo biruin sila uli ng tadhana at bigla nilang maisip na love pa rin nila ang isa’t isa at sa ending, sila pa rin.

Read more...