Robin lalayas na sa Pinas, nag-sorry kay Mariel

robin padilla
Sa kanyang Instagram account idinaan ni Robin Padilla ang kanyang sama ng loob sa naging desisyon ng Quezon City Regional Trial Court na payagang makapagpiyansa ng P11.6 million ang Maguindanao Massacre suspect na si dating Maguindanao officer-in-charge Sajid Islam Ampatuan para sa kanyang pansamantalang kalayaan.

Hindi nagustuhan ni Binoe ang naging desisyon ng korte dahil nga hanggang ngayon ay tila hindi pa rin umuusad ang kaso ng Maguindanao Massacre na naganap noong Nov. 23, 2009 kung saan may 58 katao ang nasawi, kabilang ang mga journalist.

Sa kanyang mensahe, sinabi ni Robin na plano na niyang umalis ng Pilipinas dahil sa mga nangyayari sa bansa kasabay ng paghingi niya ng paumanhin sa kanyang pamilya. Narito ang kabuuan ng Instagram post ni Binoe.

“Tunay po na wala nang naghaharing batas sa Inang Bayan Pilipinas. Tunay po na walang piring ang mata ng hustisya. Tunay po na walang ngipin ang gobyerno para sa mga makapangyarihang tao.

Tunay po na ang kagawaran ng hustisya sa bansang ito ay pinamumugaran ng sindikato. “Tunay po na nalalapit na ang eleksyon kaya’t ang mga pangil at kuko ng mga pulitiko ay nagsisimula nang magplano at magtanim ng mga warlords.

At tunay rin po na ang nalalapit na eleksyon ay gaguhan. “My Almighty God, my creator Allah, please take me out of this Forsaken Land…My wife, Mariel Padilla, bring me out of this Lawlessness, Insanity, Underworld, before it’s too late for us…My leader, Ricardo Penson, I am leaving the Motherland ASAP.

“I am sorry gentlemen and women of the Katipunan, no room for change in this country. All this I cannot bear to witness any longer, Omeng (Rommel) Padilla. Forgive me, my everdearest mother, Eva Cariño Padilla.”

Read more...