TAKANG-TAKA si Kaye Abad kung saan nanggagaling ang mga tsismis na nagpalaglag daw siya ilang taon na ang nakararaan, ito raw yung anak sana nila ni Parokya ni Edgar vocalist na si Chito Miranda.
Ayon sa Kapamilya actress, hanggang ngayon daw kasi ay meron pa ring mga taong nagtatanong kung totoo ngang nagpa-abort siya. Aniya, hindi naman siya naaalarma sa isyu dahil hindi naman daw ito totoo.
“Even before pa nu’ng time pa with Chito, may nagsabi na nanganak daw po ako and then after a year, sabi pa nga nila five years old na raw ‘yung anak ko. Nakikita daw nila sa bahay.
Sabi ko na lang, paano ‘yun nangyari kung last year ako na-chismis na nanganak tapos after two years, five years na daw ‘yung bata,” kuwento ni Kaye sa interview ng The Buzz nu’ng Linggo.
Nilinaw din ng girlfriend ng aktor na si Paul Jake Castillo na hindi siya buntis tulad ng nababalita. Nagsimula ang tsismis na pregnant ni Kaye nu’ng thanksgiving presscon ng Two Wives, iika-ika kasi ang dalaga nang humarap sa entertainment media.
Bago ito, nabalita ring hindi nakapag-taping para sa huling linggo ng Two Wives si Kaye kaya napagkamalan siyang buntis.
“Hindi po ako buntis, hindi rin ako nagpa-abort.
Severe dysmenorrhea talaga so kinailangan kong ipahinga. Hindi ko kayang mag-taping,” aniya. Natanong uli si Kaye kung kailan ba sila magpapakasal ni Paul Jake? “Sa ngayon hindi pa.
Pero napag-uusapan lang na ‘Kapag tayo siguro, ganito or ganyan.’ Pero nothing serious pa po.” Pero sabi pa ng aktres, seryoso na sila ni Paul Jake sa kanilang relasyon at praying siya na sa kasalan na mauuwi ang kanilang pagmamahalan, “Kung magbo-boyfriend naman ako, hindi lang naman para lang mag-boyfriend. Siyempre iisipin din naman ‘yung future.”