Eula iba-iba ang style sa pakikipaghalikan
Nakakaloka itong si Eula Valdez dahil may level-level pa pala para sa kanya ang bawat kissing scene na kanyang ginagawa.
Sa GMA afternoon series nga na The Half Sisters kung saan sandamakmak ang kissing scene niya with Jomari Yllana, eh inilagay lang niya sa level one ang mga halikan nila.
“Hindi naman kasi ako naiilang kay Jom at saka TV ito, ‘no. Iba siyempre ang halik sa TV sa movies, kaya ganu’ng level lang siya,” paliwanag ng award-winning actress.
Sa indie films kasing ginawa niya ay iba rin ang atake niya sa katulad na eksena dahil aniya, “Wider ang scope and emotions, napaglalaruan mo yung mga anggulo mo at nadadaya rin. So ibang level din yun.”
Inamin din nitong kinabahan siya sa muli nilang paghaharap ni Jean Garcia, “Malaki kasi ang expectations sa amin kahit hindi ‘yun ma-verbalize. Pero dahil kabisado na namin ang isa’t isa, pareho lang yung pakiramdam eventually.
Sa una lang siyempre kakabahan ka.” Top-rating pa rin ang The Half Sisters sa afternoon spot nito sa GMA 7, at balitang aabot pa ito until June kaya congrats kina Barbie Forteza at Thea Tolentino.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.