TOTOO nga ang kasabihang hindi pera-pera lang ang tunay na makapagpapasaya sa isang tao – kahit nasa iyo na ang lahat ng kayamanan sa mundo ay hindi ito guarantee na liligaya ka.
Even sa case ni Megastar Sharon Cuneta na ang sabi’y nasilaw sa bilyong offer ng TV5 kaya nilayasan ang ABS-CBN a few years ago, anong nangyari? Bagsak ang career sa kabilang network and walang choice but to cut short her contract sa kanila and went back home sa Dos.
Mabuti na lang at pinayagan siyang makabalik ng ABS-CBN where she’s truly at home with. No offense meant sa ibang TV networks, ang ABS-CBN lang naman talaga ang tanging network na nakapagpapasikat nang husto sa isang artist – whether new or comebacking.
May ibang nagkakapangalan din sa ibang networks pero hindi ganoon karami – unlike sa ABS-CBN na parang may Midas Touch. Kaya tama lang ang desisyon ni Sharon na magbalik-Dos dahil may kasiguraduhan na ang pagbalik-ningning ng kaniyang mga bituing muntik nang malusaw.
Pero dapat ay seryosohin na ito ni Shawie dahil she’s not getting any younger – and I don’t know kung totoo ang balitang may nakalagay na clause sa kaniyang kontrata na hindi siya puwedeng magpabaya sa katawan, na hindi siya puwedeng magpakataba.
Or baka joke lang ito ng isang friend kong gustong paglaruan ang kalusugan ng Megastar. Ha-hahaha! Sayang nga at hindi ako nakadalo sa invitation ng ABS-CBN last Monday for her mega comeback.
Sinamahan ko kasi ang alaga kong si Michael Pangilinan sa recording ng duet nila ni Hazel Faith dela Cruz sa San Juan. Late na kaming natapos kaya kahit anong gawin kong pagmamadali ay hindi talaga ako aabot.
Nagulat na lang ako na siya pala ang binigyan ng bonggang presscon ng ABS-CBN dahil sa text message nila, hindi nabanggit ang pangalan ni Shawie.
Isang sorpresa raw ang ia-announce without giving hint na si Sharon Cuneta pala ang haharap sa media. But it’s okay – ang mahalaga ay nakabalik na sa ABS-CBN si Sharon – magkikita at magkikita kami niyan anu’t anuman ang mangyari.
Love ko naman kasi ang babaeng iyan. Good luck, Sharon. Yung sinasabi mong you’ve already lost 40 lbs. and ready pa to lose more, gawin mo iyan para lalong maging kaaya-aya ang comeback mo, ok? Kasi naman, kung lumantak ng lafang – parang wala nang bukas. Ngayon ay pressured ka na ha.