BF di na love, pero di ma-break | Bandera

BF di na love, pero di ma-break

Pher Mendoza - March 11, 2015 - 03:00 AM

DEAR Manang Pher,
Ako ko po si Miss Smiley. Gusto ko po sanang makipag-break sa BF ko kaso parang hindi ko magawa dahil ayaw ko siyang masaktan. Ano po kaya ang gagawin ko?
Miss Smiley

Hi Ms. Smiley.
Ganito lang yan, hurt him now or hurt him later? Either way, masasaktan pa rin siya. Kung iki-keep mo ang relasyon with your BF nang hindi mo na siya gusto or mahal will not make the pain less, that’s for sure.
Better be honest now and tell him the truth about how you feel. Isa pa, ang break-up ay hindi lang para sa kanya kung hindi para sa iyo rin — para sa iyong peace of mind.
Be gentle but be firm and honest. Find a good time to talk to him. Communicate why you think you should break up. Just make sure this is what you really want para wala kang pagsisisihan sa huli. Good luck!

Ang payo ng tropa:
Hello Ms. Smiley. Girl, ang ganda naman ng name mo.
Isa lang naman ang sagot sa problema mo, maging tapat ka lang at sabihin agad sa kanya ang katotohanan tungkol sa
iyong nararamdaman.
Para ang ending ay hindi naman masaktan nang husto ang iyong BF, okay ba? So goodluck na lang sa iyo at sana maging maayos ang pag-uusap niyong magdyowa.
J.B via Facebook

Para naman ang laki-laki ng problema mo, Miss Smiley.
Kung hindi mo talaga mahal yung dyowa mo ay kalasan mo na siya habang maaga at hindi iyong pinaaasa mo siya na maligaya ka sa kanyang pi-ling.
At tsaka, ganoon talaga ang pakikipagrelasyon, kasama na roon ang risk na pwede kang masaktan o maaaring ikaw ‘yung makapanakit nang hindi sinasadya gaya nga nito – ang pakikipag-break.
Maging tapat ka sa iyong nararamdaman sa kanya. Kaming mga lalaki, minsan mas gusto namin na tinatapat kami agad kaysa sa pinaaasa kami lalo pa’t kung nakapag-invest kami nang labis na pagmamahal at emosyon.

Oo, masasaktan kami. Tao lang, pero madali rin kaming makaka-move on lalo na kung hindi pa masyadong malalim ang involvement namin sa aming minahal.
Kaya payo ko lang, saktan mo na siya ngayon kaysa patagalin pa!
Redentor, Cavite

May problema ka ba sa love life, relasyon sa pamilya o kaibigan, pera o kaya ay sa trabaho, tanungin si Manang at ang tropa at baka sila ay makatulong. I-email ang inyong problema sa bandera.manang @gmail.com o i-text ang MANANG, pangalan, edad, lugar at mensahe sa 09999858606.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending