Para sa may kaarawan ngayon: Lakas ng loob ang kailangan upang tuloy-tuloy na umunlad ang kabuhayan. Sa pag-ibig, muling sasaya ang pakikipagrelasyon pagsapit ng buwan ng Abril. Sa pinansyal, sa susunod na mga araw makapal na salapi ang mahahawakan. Mapalad ang 1, 9, 19, 39, 40 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Geroba-Gayatri-Om.” Green at gold ang buenas.
Aries – (Marso 21-April 19)—Pag-iipon ng maraming pera ang susi upang umunlad. Kapag may maganda kang kita, magtabi ng P1,000 kada buwan bago gumastos. Sa pag-ibig, kapag marami kang pera, kusa ka na ring liligaya. Mapalad ang 4, 17, 29, 33, 38 at 42. Mahiwaga mong mantra: “Babanam-Ke-Balam. Red at lilac ang buenas. Taurus – (April 20-May 20)—Wag nang balikan ang nakaraan! Magpatuloy sa bagong naiisip na negosyo. Sa pag-ibig, kalimutan ang mga relasyong nagdulot ng pagluha, maghanap ng bagong kasuyo na isang Virgo. Mapalada ng 4, 15, 26, 34, 40 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Na-Me-Aum-Aum-Name.” Violet at blue ang buenas. Gemini – (May 21-June 21)—Iwasan ang mga taong mainitin ang ulo. Wala kang mapapala sa kanila. Sa pag-ibig, piliin ang isang nilalang na cute, tahimik at neat upang makasumpong ng true love. Mapalad ang 7, 18, 26, 35, 42 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Speculum-Meum-Meun-Speculum.” Red at white ang buenas. Cancer – (June 22- July 22)—Wag sarilinin ang suliranin. Kung hindi ka lalapit sa isang kaibigan, paano mo malulutas ang problema sa pera? Sa pag-ibig, wag dayain ang puso, aminin mo nang mahal mo ang isang Scorpio! Mapalad ang 4, 13, 26, 28, 34 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Veda-Jahur-Jahur-Veda-Om.” Yellow at green ang buenas. Leo – (July 23 – August 22)—Alalahaning ang lahat ay nadadaan sa magandang usapan. Sa pag-ibig, kung laging mainit ang ulo, lalo kang papangit. Ngiti ang susi sa isang masarap at romantikong relasyon. Mapalad ang 4, 17, 26, 35, 42 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Babam-Ke-Balam.” Orange at beige ang buenas. Virgo – (August 23 – September 22)—Kung lalakasan mo lang ang iyong loob, malaking halaga salapi ang iyong kikitain. Sa pag-ibig, tapang din ang susi upang mahulog ang loob ng kasuyong matagal mo ng tinatangi-tangi, ayain agad siya sa isang pridabong silid. Mapalad ang 5, 19, 28, 36, 40 at 44. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Malka-Tetra-Om.” Maroon at purple ang buenas. Libra – (September 23-October 23)—Maghanap ng mga taong magaganda at guwapo. Sila ang katulungin mo sa iyong negosyo upang mabilis kang yumaman. Sa pag-ibig, ang kaakit akit na kapaligiran ang lalo pang magpapasigla ng pagmamahalan. Mapalad ang 6, 15, 24, 30, 38, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Beauty last forever!” Red at pink ang buenas. Scorpio – (October 24 – November 21)—Iwasang ubusin ang pera sa bisyo at sa blowout. Magtira para bukas! Sa pag-ibig, hinay-hinay lang sa romansa, ipunin ang libido sa summer vacation. Mapalad ang 7, 9, 28, 31, 40 at 41. Mahiwaga mong mantra: “Agiel, Zazel, Yophiel.” Yellow at lilac ang buenas.
Sagittarius – (November 22 – December 21)—Wag katamaran ang mga bagay na pagkakaperahan, doblehin mo pa ang pagsisipag upang makamit ang pagyaman. Sa pag-ibig, sipagan at dagdagan pang lalo ang pakikipagbolahan sa kasuyong Gemini. Mapalad ang 6, 15, 23, 33, 40 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Dhar-Masya-Sava-Tasya.” Pink at purple ang buenas.
Capricorn – (December 22 – January 19)—Magsimula ka nang magsikap ngayon, wag iasa sa iba ang tagumpay. Sa pag-ibig, wala kang mahihita sa kasuyong tamad, palitan siya ng isang Taurus na masipag. Mapalad ang 7, 14, 23, 32, 41 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Puranas-Manu-Diayanas.” Gray at silver ang buenas. Aquarius – (January 20 – February 18)— Ipayapa ang isip, sa ganyang sitwasyon ay kusang dadami ang salapi. Sa pag-ibig, meditation at pagyo-yoga ang magpapasulak ng iyong libido upang makarami ka. Mapalad ang 7, 17, 23, 26, 34, at 44. Mahiwaga mong mantra: “Malka-Halka-Tetra.” Blue at pink ang buenas. Pisces – (February 19 – March 20)—Malapit na ang Holy Week, simulan na ang pagnilay. Sa mga lugar na malapit sa nature, mas lilinaw ang isipan kung paano malulutas ang mga problema. Sa pag-ibig, kapag payapa ang puso ay masarap na relasyon ang makakamit. Mapalad ang 7, 19, 25, 34, 41 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Namo-Namo-Om.” Magenta at beige ang buenas.