ZANJOE babaero, BEA martir

By: Ervin Santiago

Kaya raw biglang natsismis na naghiwalay na rin

NAGTATAKA sina Bea Alonzo at Zanjoe Marudo kung saan nanggaling ang isyung hiwalay na sila.

May mga kumalat kasing chika na nag-break na ang dalawa dahil sobrang selosa raw ni Bea.

Ayon sa mga tsismis, may nagparating daw sa aktres na may ibang babae pa raw na idine-date si Zanjoe, isa raw itong fashion model mula sa Brazil.

May chika rin na nahuli raw ni Bea si Zanjoe na may kasamang ibang babae sa kotse nito.

Totoo nga kaya na kahit may dyowa na ay pumapatol pa rin sa ibang babae si Zanjoe, o may gusto lang sumira sa relasyon nila ni Bea?Well, sa huling panayam ng press sa magdyowa, mariin nila itong itinanggi, say ng aktres, “Hindi ko alam siguro parang ma-sama na lang kami sa mga rekado, hindi ko alam.

Hindi namin pinag-uusapan ang mga bagay na yan.”

Depensa naman ni Zanjoe, “Ganu’n naman talaga lagi e, pag hindi umaamin, papaaminin, Pag umamin na tatanungin kung hiwalay na pero wala naman kaming issue na ganu’n.”

Well, kitang-kita naman daw sa itsura ng dalawa na in love na in love pa rin sila sa isa’t-isa.

Tanong nga kay Zanjoe kung ano ang sikreto ng kanilang smooth-sailing na relasyon, “Wala namang sikreto ‘yan e pareho niyong matutunan ‘yan, pareho niyong mae-experience, pareho n’yong malalaman kung ano ang tama at mali pag-usapan n’yo.”

Sagot naman ni Bea, “Kailangan nagkakaintindihan talaga kayo, you have to trust each other to make it work at kailangan nangingibabaw ang love.

Love, love, love.”

Read more...