Ogie sa pagbabalik ni Mega sa Dos: Sadyang ganu’n, kapag hindi na masaya, e, di hindi na!

ogie alcasid
Aminado si Ogie Alcasid na nalungkot siya sa pag-alis ng ilang kasamahan niyang celebrity sa TV5, kabilang na riyan ang kaibigan niyang si Sharon Cuneta na nagdesisyon na ngang bumalik sa ABS-CBN.

Sey ni Ogie nang makachika ng ilang reporter sa presscon ng bago niyang show, ang singing talent search ng TV5 na Rising Stars, “Nakakalungkot din, siyempre. Kami na lang ni Derek (Ramsay) ang nandito.

Kaya minsan, ako na lang din ang nagbabalita. Pati sa PBA, ako na lang ang nagba-basketball. Ako na rin ang gumagawa ng weather report,” birong pahayag ng TV host-comedian.

“Honestly, nakakalungkot siyempre, kasi nami-miss ko sila. But sadyang ganu’n, e. Hindi ko alam ang mga mga pangyayaring ‘yan, pero nakakalungkot na wala na sila.”

For his part, nananatili naman ang kanyang commitment sa Happy Network, “Gaya ng sinabi ko noon, nang mag-usap kami ni Boss MVP (Manny V. Pangilinan), committed ako sa kanya.

Kahit ano ang mangyari, tutulong ako. Sa ngayon, naghihintay tayo ng isa lang, makatsamba tayo ng isang show. “Pero ngayon, nagkakaroon na ng porma yung gusto nilang gawin, which is a ‘happy network’ sa sports, sa comedy, and sa music.

Pasok sa akin kasi nag-i-sports, nagko-comedy ako, at sa music,” sey pa ni Ogie.  Sa March 14 naman, at 10 p.m. magsisimula ang kanyang hosting job para sa talent search na Rising Stars.

Makakasama niya rito bilang co-host si Venus Raj at si Mico Aytona bilang backstage reporter. Uupo namang judges sina Nina at Jimmy Bondoc, at  Papa Jack.

Samantala, nagkomento rin si Ogie sa pagbabalik ni Megastar Sharon Cuneta sa ABS-CBN, “Sadyang ganu’n ang buhay. Kapag hindi na masaya, e, di hindi.”

May hiling din ang OPM (Organisasyon ng mga Pilipinong Mang-Aawit) President kay Mega sa pagbabalik niya sa limelight, “Sana gumawa siya ng albums.

Oo, magaling siyang artista, pero ang strength niya talaga, for me, kapag kumakanta na siya ng mga kanta niya. Iba talaga si Shawie.

“Kasi sa dami niyang alam gawin, hindi na napapansin na Sharon is really a singer at heart,” chika pa ni Ogie.

Read more...