PACQUIAO: BUMAGAL NA SI MAYWEATHER

ISANG linggo pa lamang ang ginagawang pagsasanay ni Manny Pacquiao sa Wild Card Gym pero ramdam na niya ang kahandaan na harapin ang pound-for-pound king Floyd Mayweather Jr.

Tumaas agad ang kanyang kumpiyansa dahil may nakikita na siyang kahinaan sa istilo ni Mayweather.

Sa panayam ni Aquiles Zonio ng Philboxing, sinabi niya na hindi pala solido ang depensa nito.

“All I need is patience, timing and blinding speed,” wika nito.

Wala na rin ang bilis ng footwork ni Mayweather na nakita noong hinarap nito si Marcos Maidana noong nakaraang taon.

“I noticed that his knees are no longer there. He could no longer run as fast and as quick as during his younger days,” puna pa ni Pacman.

Inaasahang iigting na ang paghahanda ng Pambansang Kamao dahil sa pagdating ni trainer Freddie Roach.

Hindi nakasama ni Pacquiao si Roach sa nagdaang linggong pagsasanay dahil nagtungo ito sa Macau pero nabigo sila ni Chinese boxer Zou Shiming sa pinuntiryang IBF flyweight title nang natalo sa nagdedepensang kampeon na si Amnat Ruenroeng ng Thailand.

Si Mayweather ay nagbukas na rin ng kanyang pagsasanay at sinasabing sinimulan na ang sparring at ilan sa mga nakaharap ay kanyang napabagsak.

Ipinakita rin ni Mayweather na relax na relax siya sa paghahanda dahil nagawa pa niyang isingit ang pagsusugal.

Read more...