PINANGUNAHAN ng pinakamamahal nating Superstar na si Ms. Nora Aunor ang listahan ng winners sa nakaraang 31st PMPC Star Awards for Movies na ginanap sa Solaire Theater last Sunday evening.
Nanalo si Mama Guy sa kaniyang sterling performance sa pelikulang “Dementia” habang nag-tie naman Piolo Pascual and John Lloyd Cruz sa Best Actor category.
Nagtabla rin sa pagka-Best Supporting Actress sina Gretchen Barretto at kafatid nating si Ms. Sylvia Sanchez while nasolo ni Nicco Manalo ang tropeo bilang Best Supporting Actor.
Star-studded naman daw ang PMPC Star Awards for Movies. Yes, nandoon din kami pero hindi na naming nakuhang umakyat sa teatro dahil naging abala na kami sa kapipindot sa slot machines sa casino area sa ibaba thinking na maiuuwi namin ang milyon-milyong random. Ha-hahaha!
Luha lang pala ang inabot namin dahil super-lotlot (read: talo) ang mga baklita. Ha-hahaha! Pero we had so much fun naman nang magkita-kita kami sa Dragon Bar ng Solaire nina Atty. Ferdie Topacio kasama ang controversial na si Deniece Cornejo who wore a beautiful ballgown na gawa ng isang Dubai-based designer.
Tinanong ko si Atty. Topacio kung paano natatanggap ng mga nakakasalubong nila si Deniece after ng controversy niya with Vhong Navarro many months back.
“In fairness, hindi naman siya nababastos. In fact, marami ang nagpapa-picture sa kaniya. She is being treated well by the public. Unlike before na talagang hindi maganda ang tingin sa kaniya dahil fresh pa ang isyu that time pero ngayon, nari-realize na nila siguro kung sino talaga ang may kasalanan sa naging kaso nila.
“Alam mo naman ang mga tao, paglipas ng ilang panahon, natatauhan din ang mga iyan, eh,” ani Atty. Ferdie Topacio na talaga namang mahusay na tagapagtanggol ng mga katulad ni Deniece.
May isang reporter na lumapit sa amin at nagbibiro dahil bakit hindi raw si Toni Gonzaga ang nanalo as Best Actress against the rightful winner ng Star Awards na si Ms. Nora Aunor. Super-fan yata ni Toni yung reporter.
Natural, sabay-sabay kaming nagtawanan. “Pakisabi kay Toni, pag dumiretso na ang tingin niya, puwede na siyang manalo against Nora,” biro ng isang kasama namin.
“Ilang-daang sakong bigas at asin pa ang dapat niyang lamunin bago siya makasabay sa husay ng isang Nora Aunor,” sabat naman ng isa.
“Patulugin niyo muna si Toni nang mahaba-haba para matauhan pagkagising niya na hindi pa pala siya marunong umarte. Dios mio, she had bad acting sa ‘Starting Over Again’.
“Nagtataka nga ako kung bakit na-nominate ang babaeng iyan. Gusto niya kasi kanya na lahat. Suwapang sa award, hindi naman talaga kagalingan,” taray ng isang ka-table namin.
In short, wala talagang boto sa kaniya sa table namin kaya ang ending, umalis na lang ang kakampi niyang reporter. Kasi naman! Ha-hahahaha!