Sharon emosyonal, napaiyak sa pagbabalik bilang kapamilya
AS early as 11 a.m. kahapon ay nag-aabang na ang TV at print media sa 9501 Restaurant ng ABS-CBN para sa contract signing ng nagbabalik Kapamilya na si Sharon Cuneta.
Para sa unang show ni Mega sa ABS-CBN, uupo siyang judge sa bagong reality talent show na Your Face Sounds Familiar kasama sina Gary Valenciano at Jed Madela.
Bongga nga ang pagbabalik ni Mega sa ABS-CBN dahil habang ginaganap ang contract signing ay hinaharana naman ng String Quartet ang mga naghihintay na entertainment press para sa kanyang presscon.
At puro awitin lang ni Sharon ang kanilang tinutugtog. At base sa tsika sa amin ng isang executive ng ABS-CBN ay ang programang Your Face Sounds Familiar muna ang gagawin ng TV host-singer, ibig sabihin per project muna ang pagbabalik niya sa Dos.
Hindi naman maipaliwanag ng Megastar ang kanyang nararamdaman sa muli niyang pagpirma ng kontrata sa ABS-CBN. Balitang napaiyak pa nga ito matapos ang pakikipag-usap sa mga bossing ng Kapamilya network.
“Parang hindi enough young words. It’s…I have no words for what is going on inside my heart now. It’s overwhelmingly wonderful. Alam n’yo nu’ng pagpasok ko pa lang, ‘Ay, nakauwi na rin.
Nagbakasyon lang.’ Tapos pag-uwi, walang nagbago sa pagtingin ng mga Kapamilya mo.” Dagdag pa ng Megastar kahit na ilang taon siyang nawala sa ABS, hindi naman siya nawalan ng communication sa mga executievs ng Kapamilya station.
“We never naman lost touched. But not once that we ever talked about work kami nina Tita Charo (Santos-Concio), Tita Cory (Vidanes), Inang Olive (Lamasan).
I’ll just say Tita Charo was one of the first to know na…wala pang may alam na wala na ako sa nilipatan kong station, alam na ni Tita Charo.
“I didn’t ask for anything. It was like out of respect because she was like my mother and sister combined,” pahayag pa ng aktres.
Dugtong pa niya, “Parang not even a month…a month or two later, may mga secret meetings na kami, all the planning.
It was so touching, kasi I was very humbled by my experiences in the last three years, so welcomed home with open arms, and not just that e, to be welcomed home with open hearts, yung wala…walang nagbago.
“Parang nandito lang ako last week. Walang nagbago sa mga sumalubong sa akin. And there is really no place like home.
“This is really where…and I just don’t belong anywhere else,” sey pa ni Mega.
First time rin nagsalita si Sharon kung bakit siya nawala sa ABS-CBN, inamin niyang may konting tampo siya sa management noon na hindi naayos kaya ang payo niya, “Pag meron kang tampo, hindi ‘yung dapat may ibang nagbi-bridge between you at ‘yung katampuhan mo.
“Like ‘yung I have tampo here (ABS), which is really the real reason why I left, but it could have been fixed, it was so simple pero iba ‘yung nakakarating sa kanila, iba ‘yung nakakarating sa akin.
“So now I know, why did I let go that trust for a minute, it was, admittedly, a little stupid of me and a little selfish, I should have talk to the people that I thought kung sino ‘yung pinagtatampuhan ko kasi now, nagkaharapan nu’ng nagmi-meeting kasi ‘yung lumabas, mali all the while ‘yung iniisip ko at mali rin ‘yung nakakarating sa kanila.”
“It was a very tiny reason, you know, parang hindi na dapat ganu’n. Pangalawa, and the most important of all, I woke up, more accurately God woke me up it was a painful awakening na parang reminded me and made me realize na all my blessings na nakasanayan ko,
I had been more complacent about, so natuto akong mag-appreciate ng bawa’t biyayang dumating, like now, sine-celebrate ko ang bawat blessing na dumarating sa buhay ko at sa family ko.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.