Greta inisnab ang debut ni Julia, pumunta sa London

gretchen barretto
Hindi pupunta si Gretchen Barretto sa debut ng kanyang pamangkin na si Julia Barretto, ngayong araw.

Kahapon kasi umalis si Gretchen papuntang London kasama ang anak na si Dominique, “Aalis ako tomorrow morning (kahapon), first flight. Nasa airport na ako at five in the morning.

I have to celebrate with my daughter and my friends also. Meron kaming rule sa bahay na kapag may birthday, parang it’s a month-long celebration,” ani Gretchen sa interview ng ABS-CBN.

Birthday gift daw ni Greta sa kanyang sarili ang nasabing bakasyon, she just turned 45 noong March 6. Nakiusap naman ang aktres na huwag nang pag-usapan ang debut ni Julia, “I don’t want to talk about it. I demand respect.

Tonight is my night. The birthday of Julia will be her night. Let’s give it to her and let’s give it to me.” Pero sa naunang interview ni Gretchen, nagbigay naman ito ng birthday wish para sa anak ni Marjorie Barretto, “Long life, good career, matatag na puso at kapal ng mukha na kailangan natin sa industriyang ito.

“Iyan ang meron ako na gusto kong ipamana sa kanya. Hindi lang para kay Julia kundi para sa lahat ng kabataan ngayon, kailangan talaga natin maging matatag,” sey pa ni Gretchen.

Read more...