Betong bakla raw: OK lang kung yun ang tingin nila!

betong

BAKLA nga ba ang Kapuso comedian na si Betong Sumaya? Marami ang nagtatanong sa amin kung totoong beki ang komedyante dahil nga hanggang ngayon ay wala pa itong girlfriend at natsitsismis din siyang may karelasyong gwapong bagets.

Nakachika ng ilang members ng entertainment media si Betong sa pocket presscon ng bago niyang project sa GMA, ang comedy-throwback show na Sabado-Badoo kung saan makakasama niya ang isa pang magaling na comedian na si Sef Cadayona bilang hosts, at isa nga ang gay issue sa tinanong sa kanya.

“E, siguro po kasi nata-typecast po, kasi yung mga role ko po palagi sa Bubble Gang, either yung Antonietta o bakla. Mas masarap po kasing i-portray po yung role na ganun, e.

So siguro po kaya naaano (natsitsismis) kasi hanggang ngayon wala, wala pang karelasyon,” paliwanag ni Betong.Nao-offend ba siya sa ganitong mga tsismis? “Minsan po. Pero sa akin kasi, alam mo naman po yung, kilala ko naman po sarili ko.

Pero minsan kasi yung iba naniniwala, e. So sabi ko, ‘Sige kung iyan ang akala niyo.’ Kasi kahit ano man ang sabihin ko, hindi niyo naman po ako kilala.”

Actually, may niligawan daw siyang non-showbiz girl pero, “Hindi ako makapasa po, e. Ayaw nila sa akin, e. Mataas po standards nila.”

Samantala, hanggang ngayon ay hindi pa rin makapaniwala si Betong na host na rin siya ngayon ng sarili niyang show, ito ngang Sabado-Badoo, kung saan makakasama nga niya ang kaibigang si Sef.

Ang Sabado-Badoo ay compilation ng mga video na sumikat at pinag-usapan noon at muli nga nilang ibabalik para magbigay-aliw sa madlang pipol.

Magsisimula na ito sa March 14, 6 p.m., bago mag-Pepito Manaloto.

Read more...