SHARON: Ako mismo ang bubugbog kay KC!

Inis na inis si Sharon Cuneta sa mga tweets na nabasa niya mula sa isang taga-ABS-CBN na tila nagbabanta na ilalabas daw ang mga baho ng kanyang anak na si KC Concepcion.

May konek daw ito sa pelikula nina Angelica Panganiban at Piolo Pascual.

Sa tweet ni Eric John Salut, parang meron siyang pinatatamaan, “Kilala ko na kung kaninong fans ang bitter sa succes ng #EveryBreathUTake. Obvious!…”

Nabasa ito siyempre ni Sharon kaya sumagot ito ng, “Gusto kong malaman kung ano ang pinagsasabi ni eric john salut.

Nang maglabasan na. Eric, what’s the problem with my daughter?

Has she done anything karumal-dumal?

Or do you guys just choose to have a problem with her? Di ba puedeng mag-move-on na lahat?Na sinundan pa ng, “If @ericjohnsalut or anyone else says may ‘baho’ si KC they better support it w/ LOTS of proof/evidence/witnesses. Kasi kung gusto namin manira, ang dami naming kilalang involved noon at ngayon.”

“If KC has done anything to upset anyone, or bring shame to our family, or ruin my trust in her, or ruin my NAME, AKO MISMO ANG BUBUGBOG SA ANAK KO AT HIHINGI NG TAWAD SA PUBLIKO BAGO PA MAKARATING SA MGA NANINIRA.”

“Executive kasi sya sa ABS-CBN kaya ako nagulat at nagtatanong ngayon sa kanya.

Kapamilya si KC eh,” she posted before adding, “Masakit sa akin yun kasi ako ang mama nya.

OK?” ayon pa kay Sharon na talagang affected sa mga patama diumano kay KC.

Sa huling tweet ng Megastar ay tila nahimasmasan na siya at nagbiro na lang ng, “Isusumbong ko kayo sa lahat ng Tulfo! Hahaha!”

Anyway, tina-try pa naming kunin ang side ni Eric John about this issue.

Read more...