Shaina nakipagbati kay John Prats; dedma kay Angelica

john prats
Bati na naman pala ang mag-ex na sina Shaina Magdayao and John Prats.

We saw their photo together sa isang Facebook fan page and the shot was taken during the reunion party para sa ASAP.
Ang hindi pa kabatian ni Shaina ay si Angelica Panganiban.

Super imbiyerna  ang younger sister ni Vina Morales dahil na-drag pa siya sa chikahan nina Vice Ganda at Angelica nang mag-guest ang huli sa Gandang Gabi Vice kung saan sinabi ni Angelica na parang siya ang third wheel sa hiwalayan nina Shaina at John Lloyd Cruz.

Feeling triumphant pa nga si Angelica dahil ang dalawang ex-boyfriends ni Shaina na sina  John at John Lloyd ay super close sa kanya, si John bilang best friend at si Lloydie bilang boyfriend.

To hit back at Angelica, Shaina posted this on her Instagram account, “Those who tried to break you are expecting you to be on fight mode. Conquer them with your peace.”

Ano kaya ang masasabi ni Angelica sa photo nina John at Shaina na magkasama? Ano naman kaya ang pinag-usapan ng ex-couple?

Read more...