Ai Ai ayaw bigyan ng katulong ang 2 anak sa Amerika

aiai sancho
Umuwing accomplished ang Comedy Concert Queen mula sa ilang linggong pagdalaw niya sa kanyang mga anak na sina Sophia at Nicolo sa Amerika.

‘Yun ang terminong ginagamit niya, accomplished, dahil nagawa raw niya ang lahat ng mga plano nilang mag-iina sa pananatili niya du’n.

Silang mag-iina ang namahala sa interior design ng nabili niyang bahay para sa magkapatid, sila-sila ang namili ng mga kagamitan at sila na rin mismo ang namahala sa pagdedekorasyon, tulung-tulong sa kaunlaran ang tawag ni Ai Ai delas Alas sa ginawa nilang mag-iina.

Plano niyang sa Amerika na pagtapusin ang kanyang mga anak, gusto niyang matuto sina Budang at Nicolo sa pamumuhay nang independent, dito sa Pilipinas ay meron silang mga kasambahay na palaging nakatutok sa kanilang mga pangangailangan na wala sa ibang bansa.

“Naakakalungkot na nakakatuwa, nakikita ko sila na marunong na sa buhay, wala silang maaasahang iba du’n, sila-sila lang ang magtutulungan.

Very independent na sila, madisiplina, malungkot ako na malayo sila sa akin, pero kung ganu’n naman ang makakapalit sa paglalayo namin, e, masaya na rin ako,” kuwento ng Comedy Concert Queen.

Read more...