Kailan susuwertehin sa pag-ibig? (2)
Sulat mula kay Bhea ng Bagolatao, Minalabac, Camarines Sur
Problema:
1. Marami na akong naka-relasyon, pero walang nagtagal. Hindi ko alam kung bakit parang malas yata ako sa pag-ibig. Sabi ng mga friends ko, dahil sa dami na ng mga nakarelasyon ko sinsira ko lang daw ang buhay ko. Sa ngayon gusto ko ng magbagong buhay, pero hindi ko alam kung paano magsisimula. May mga manliligaw pa rin naman, pero hindi ko alam kung sino ang pipiliin ko sa kanila. Natatakot akong baka magkamali na naman ako, baka lokohin na naman nila ako paasahin at pagkatapos ay iwanan. Kaya sana tulungan mo akong mamili para hindi na ako mamali ng desisyon.
2. Dalawa ang masugid kong manliligaw sa ngayon. Isang isinilang noong February 3, 1989 at isang isinilang nuong January 14, 1990. May 5, 1991 naman ang birthday ko. Sino sa kanila ang dapat kong piliin upang hindi na ako muling malasin pa sa pag-ibig? At may pag-asa pa bang suwertehin ako sa pakikipag-relasyon kung susuwertehin kailan naman kaya ito mangyayari?
Umaasa,
Bhea ng
Camarines Sur
Solusyon/Analaysis:
Astrology:
Ang zodiac sign mong Taurus (Illustration 2.) ang nagsasabing sa dalawang lalaking masugid mong manliligaw sa kasalukuyan, higit mong ka-compatible siyang isinilang nuong January 14, 1990. Kung saan, sa sandaling siya ang nakatuluyan mo, tiyak na uunlad at habang buhay ng magiging maligaya ang bubuuin ninyong pamilya.
Numerology:
Ang birth date mong 5 ay nagsasabing higit mong ka-tugma at ka-compatible ang lalaking may birth date na 14, siya ang dapat mong maging boyfriend at mapangasawa, dahil kapag nagkatuluyan ang birth date mong 5 at birth date niyang 14, tulad ng nasabi na, tiyak na uunlad at yayaman ang itatayong nyong pamilya.
Luscher Color Test:
Upang hindi na muling mabigo sa pag-ibig at makamit na ang isang maligaya at pang habang buhay na pagsasama, lagi kang magsusuot at gumamit ng kulay na asul at pula. Sa nasabing kulay, makakasumpong ka na ng isang mabuti at pang habang buhay na asawa.
Huling payo at paalala:
Bhea ayon sa iyong kapalaran, sa susunod na taong 2016 sa buwan ng Enero kusa ng mabubuo ang mainit na ugnayan sa pagitan ninyong dalawa ng manliligaw mong isinilang sa noong January 14, 1990. Sa sandaling nakabuo kayo ng isang lehitimo at wagas na relasyon, sa pag-ibig kusa ka ng susuwertehin kung saan, tuloy-tuloy ng hahantong ang nasabing ugnayan sa isang maligaya at pang habang buhay ng pagpapamilya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.