Ai Ai di na nag-renew ng kontrata sa ABS tuloy ang paglipat sa GMA

aiai delas alas
MAS mapapaaga ang pag-uwi sa Pilipinas ng Comedy Queen na si Ai Ai delas Alas sa Pilipinas. Nu’ng huli namin siyang nakausap she said that she’ll be back on March 10. Pero ang latest, she’ll ba here na either March 7 or 8.

Tinanggap kasi ni Ai Ai ang imbitasyon para sa isang bonggang production number sa Star Awards for Movies na magaganap sa Solaire Hotel & Casino ngayong Sabado.

Pumunta ng US si Ai Ai para sa kanyang immigrant status doon at the same time, tiningnan na rin niya ang nabiling bahay sa bayan ni Uncle Sam. Need na syempre ni Ai Ai na bumili ng bahay sa Amerika dahil most of the time ay doon na siya magi-stay kasama ang  kanyang dalawang anak doon na pawang US citizens na.

Pagbalik sa bansa lilinawin niya ang kumakalat na isyu na magbabalik Kapuso network na siya. May balita kasi na natapos na ang kontrata niya sa ABS-CBN. And sad to say, hindi na raw nag-renew ng contract si Ai Ai  sa Dos.

Pero hindi pa siya pwedeng gumawa ng pelikula outside ABS-CBN/Star Cinema dahil hanggang July pa ang kontrata niya. Hindi nga natanggap ni Ai Ai ang movie offer ng Viva Films sa kanya to be directed by Wenn Deramas.

Si Direk Wenn ang kausap ng Viva Films kung ano ang gusto niyang gawin na movie projects for this year. At sabi niya kay Vic del Rosario, gusto niyang gumawa ng isang Ai Ai  movie this year.

“Tapos may binato ako sa kanya na dalawang kwento, parehong nagustuhan ni Boss Vic. So, sinabi ni ano, hindi ito ‘Tanging Ina (The Reunion)’, ha. So, sinabi ni Boss Vic, sige na. So, pinakausap si Tita June (Rufino).

Kaso mo nalaman ni Tita June kay Tito Boy (Abunda) hanggang July  pa raw ang kontrata niya na exclusive sa Star Cinema. ‘Yun ang kwento ng Ai Ai delas Alas sa 2015 ko,” lahad ni Direk Wenn.

Pwede raw matuloy ang movie ni Ai Ai sa Viva Films kung magbibigay ng go signal ang Star Cinema or magco-production sila.
And speaking of “Ang Tanging Ina (The Reunion),” wala pa raw siyang alam kung matutuloy pa ito o hindi na, “Ah, wala pa akong alam.

Wala rin namang sinasabi sa akin si Ai Ai or ang ABS. Ang alam ko nga parang pagkatapos ng filmfest movie ko saka uumpisahan ko ang Ai Ai project. Tapos nawala ‘yun,” pahayag niya.

How ironic naman na noon ay si Direk Wenn ang gustong umalis sa ABS-CBN pero pigil daw nang pigil sa kanya si Ai Ai, “Oo, bruhang ‘yan. Ha-hahaha!”

Nakausap na rin daw niya si Ai Ai regarding sa paglipat nito sa ibang network, “Sabi niya sa akin, ‘Hayaan na Direk. Basta ako alam ko naman na mabait akong katrabaho at naging mabuting sundalo ako.’ Sana maging maayos ‘yung magiging lagay niya doon, ‘di ba? Kasi syempre hindi ako matutuwa kung hindi magiging maganda ang mangyayari.”

Sabi pa ni direk, “Wini-welcome ko naman ‘yung kung saan ang work doon ka. Parang walang obligasyon ang kahit na sino, kunwari wala ka namang kontrata na.

O, wala kang kontrata, wala kang obligasyon or walang obligasyon ‘yung network na magpigilan kayo. ‘Yan ang lagi kong prinsipyo sa buhay. Wala kayong mabibigay, at mas may ibibigay na maganda yung iba, hayaan ninyo.”

Dugtong pa ni Direk Wenn, “Malay mo, kasi ako magtatapos na rin ang contract ko. Hanggang July na lang ang TV contract ko. Non-exclusive kasi ako sa Star Cinema at sa Viva.

So, ang kailangan kong matapos ang number of movies, hindi ‘yung time. Maganda rin ‘yun para hindi ka ngaragan na kailangan mong tapusin agad, kumbaga, sarili kong pacing pagdating sa pelikula.”

Read more...