Sharon bongga ang pagbabalik sa ABS-CBN

sharon cuneta

KUNG wala nang magiging problema, bukas ng hapon magaganap ang big announcement  ng ABS-CBN sa pagbabalik ni Megastar Sharon Cuneta sa Kapamilya network. Bukod dito, nakatakda rin ang pictorial niya para sa comeback project niya sa Dos.

Bago mag-weekend, inihayag na ni Sharon sa kanyang Facebook account na tuloy na ang pagbabalik niya sa showbiz, sabi niya sa kanyang Sharonians, “You will be seeing me in just a few days.”

May idea na kami kung anong programa ang unang gagawin ni Mega sa pagbabalik niya sa ABS-CBN pero hindi na muna namin ito idedetalye dahil ayaw naming pangunahan ang mga executive ng network sa gagawin nilang announcement bukas.
Pero base sa kuwento ng aming source, bongga ang magiging papel ni Mega sa pagbabalik niya sa Dos, kaya yan ang dapat abangan ng mga Sharonian.

Read more...