Sharon bongga ang pagbabalik sa ABS-CBN | Bandera

Sharon bongga ang pagbabalik sa ABS-CBN

Reggee Bonoan |March 08,2015
facebook
share this

Sharon bongga ang pagbabalik sa ABS-CBN

Reggee Bonoan - March 08, 2015 - 04:56 PM

sharon cuneta

KUNG wala nang magiging problema, bukas ng hapon magaganap ang big announcement  ng ABS-CBN sa pagbabalik ni Megastar Sharon Cuneta sa Kapamilya network. Bukod dito, nakatakda rin ang pictorial niya para sa comeback project niya sa Dos.

Bago mag-weekend, inihayag na ni Sharon sa kanyang Facebook account na tuloy na ang pagbabalik niya sa showbiz, sabi niya sa kanyang Sharonians, “You will be seeing me in just a few days.”

May idea na kami kung anong programa ang unang gagawin ni Mega sa pagbabalik niya sa ABS-CBN pero hindi na muna namin ito idedetalye dahil ayaw naming pangunahan ang mga executive ng network sa gagawin nilang announcement bukas. Pero base sa kuwento ng aming source, bongga ang magiging papel ni Mega sa pagbabalik niya sa Dos, kaya yan ang dapat abangan ng mga Sharonian.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending