Sulat mula kay Bhea ng Bagolatao, Minalabac, Camarines Sur
Dear Sir Greenfield,
Marami na akong naka-relasyon, pero walang nagtagal. Hindi ko alam kung bakit parang malas yata ako sa pag-ibig. Sabi ng mga friends ko, dahil sa dami na ng mga nakarelasyon ko sinisira ko lang daw ang buhay ko. Sa ngayon gusto ko ng magbagong buhay, pero hindi ko alam kung paano magsisimula. May mga manliligaw pa rin naman, pero hindi ko alam kung sino ang pipiliin ko sa kanila. Natatakot akong baka magkamali na naman ako, baka lokohin na naman nila ako paasahin at pagkatapos ay iwanan. Kaya sana tulungan mo akong mamili para hindi na ako mamali ng desisyon. Dalawa ang masugid kong manliligaw sa ngayon. Isang isinilang noong February 3, 1989 at isang isinilang noong January 14, 1990. May 5, 1991 naman ang birthday ko. Sino sa kanila ang dapat kong piliin upang hindi na ako muling malasin pa sa pag-ibig? At may pag-asa pa bang suwertehin ako sa pakikipag-relasyon kung susuwertehin kailan naman kaya ito mangyayari?
Umaasa,
Bhea ng Camarines Sur
Solusyon/Analaysis:
Palmistry:
Medyo magulo ang Heart Line (Illustration 1-1 arrow 1.) sa iyong palad. Ibig sabihin, hindi nga masyadong magiging maganda ang karanasan mo sa pag-ibig sa simula sa
iyong pagdadalaga, pero pag tuntong mo ng edad 25 pataas, unti-unti ng maayos ang iyong love life, hanggang sa habang buhay ka ng lumigaya (Illustration 1. arrow 2.).
Cartomancy:
Queen of Spades, Ace of Hearts at Queen of Hearts ang lumabas (Illustration 1.). Ang mga baraha ang nagsasabing sa susunod na taong 2016 sa buwan ng Enero, magbabago na ang takbo ng iyong love life, magkaka-boyfriend ka nang isang tapat at mabuting lalaki na isinilang sa buwan ng Enero.
Itutuloy….
Kailan susuwertehin sa pag-ibig?
MOST READ
LATEST STORIES
Read more...