SUNSHINE MASYADONG MADRAMA, PINAGLALARUAN LANG SI CESAR

sunshine cruz
Speaking of another Sunshine, may nakapagbalita sa amin kapatid na Ervin na diumano, kaya raw hindi nagpakita o sumipot si Sunshine Cruz sa supposedly custody hearing nila ng estranged husband niyang si Cesar Montano last Monday ay dahil umano sa gusto nitong inisin ang aktor-direktor?

Nakakalurkey na balita lalo pa’t noong araw na ‘yun ay pinirmahan na rin ni Cesar ang mga dokumentong nagbibigay ng karapatan kay Shine sa kanilang conjugal properties.

Ang tsismis pa ay nasa tabi-tabi lang umano si Shine noong mga oras na ‘yun at pinayuhan ito ng kanyang abogado na huwag na lang magpakita sa dapat ay masasaksihan nitong pagpirma ng dating asawa.

Hindi nga naging maganda ang reaksyon ng kampo ni Cesar dahil parang ang feeling ng mga ito ay napaglalaruan sila lalo pa’t may motion umano sa korte si Shine na pagbawalan si Cesar na makipagkita sa tatlo nilang anak.

Nalulungkot at nababaliw kami sa tsismis na ito kung ito man ay totoo dahil ang buong akala natin after ngang magbigay ng statement si Cesar tungkol sa mga bagong akusasyon ng kanyang nakahiwalay na asawa ay mauuwi na sa mas maayos na usapan ang lahat?

Pero mukhang hindi ito ang gastong mangyari ni Sunshine sa ngayon.

Read more...