Rachelle Ann napiling kumanta ng theme song ng ‘Cinderella’

rachelle ann go
Muling inoperan ng isang taong kontrata si Rachelle Ann Go (mage-expire na sa May 9, 2015 ang current contract niya) sa “Miss Saigon” para sa papel na Gigi, pero pinag-iisipan pa ang dalaga kung magre-renew pa siya.

Darating sa bansa ang singer-actress para sa promo ng pelikulang “Cinderella” ng Walt Disney. Yes bossing Ervin, si Rachelle Ann ng napiling kumanta ng “A Dream Is A Wish Your Heart Makes” na soundtrack ng movie.

Nang malaman namin ito ay kaagad naming tinanong ang manager ni Rachelle na si Erickson Raymundo, “She recorded her version of the Cinderella song. Siya ang napili ng Disney. At nag-record sila ng music video na ipapalabas din.”

Kuwento pa ni Erickson, “For promo lang ‘yung music video niya, pinakanta sa kanya pero di naman gagamitin sa actual sa movie. Pero sobrang nagustuhan siya (Rachelle Ann) at full production sila, as in. Pauuwiin pa siya dito to promote.”

Sagot ng Disney ang pamasahe ni Rachelle Ann pauwi ng Pilipinas sa susunod na Linggo at maging ang manager nitong si Erickson ay pinalipad din kamakailan para personal nilang makausap.

Kaya sa pagbabalik ni Rachelle Ann sa Pilipinas next week ay saka palang malalaman kung ano ang final answer niya, kung magre-renew siya sa “Miss Saigon” o hindi na.

Read more...