Horoscope, March 08, 2015

Para sa may kaarawan ngayon: Susubukin ka ng kapalaran, sa sandaling napagtiisan mo ang lahat ng hirap, ang mga taong isinilang sa petsang 8 ay talaga namang yumayaman. Kahit ano ang mangyari, wag susuko. Mapalad ang 4, 8, 25, 34, 44, at 47. Mahiwaga mong mantra: “Amor-Cito-Amor-Teneo-Om.” Red at green ang buenas.
Aries – (Marso 21-April 19) – Sa ibang bansa, mas mabilis na lalago ang kabuhayan. Sa pag-ibig, tiisin munang malayo sa mga minamahal, kailangan mong gawin iyan para sa kinabukasan ng pamilya. Mapalad ang 4, 15, 25, 34, 37 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Pranave-Beeja-Om.” Beige at green ang buenas.
Taurus – (April 20-May 20) – Kung magpapagandang muli, mas maraming kliyente ang maaakit. Sa pag-ibig, kung lagi kang beauty, matutukso na naman ang kasuyo na ikaw ay romansahin. Mapalad ang 6, 12, 28, 31, 38 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Vasudeva-Om.” Orange at red ang buenas.
Gemini – (May 21-June 21) – Competition ang dapat upang umunlad at yumaman. Kapag may nakakalaban ka at nakakabangga lalong sisigla ang iyong buhay. Sa pag-ibig, patuloy mong ipaglaban ang kasuyong Aquarius. Mapalad ang 5, 18, 23, 36, 42 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Omni-Fitel-Omni-Mantel.” Blue at lilac ang buenas.
Cancer – (June 22- July 22) – Huwag tularan ang pagong, laging nagtatago sa kanyang bahay. Mas madadagdagan ang oportyunidad ng pagkakakitaan kung makikihalubilo sa lipunan. Sa pag-ibig, sa isang political gathering mo matatagpuan ang true love. Mapalad ang 2, 11, 16, 25, 34 at 42. Mahiwaga mong mantra: “Abra-Ka-Dab-Bra.” Green at red ang buenas.
Leo – (July 23 – August 22) – Wag magtiwala kung kani-kanino, suwerte ka sa mga nilalang na isinilang sa petsang 7, 16 at 25. Sa pag-ibig, kusa kang maaakit ng mga taong may birth date na 4, 13, 22, at 31. Ang mga petsa sa itaas ang siya ring mapalad mong numero. Mahiwaga mong mantra: “Ava-Yara-Salva-Me-Om”. Yellow at gold ang bueans.
Virgo – (August 23 – September 22) – Kailangang gamitin ang talino! Sa pamamagitan ng matalinong pagpapasya, madodoble ang kinikita. Sa pag-ibig, wag puro puso ang pairalin, gumamit ng rason upang lumigaya. Mapalad ang 5, 14, 23, 33, 46 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Maham-Rintuan-Jaya-Om.” Violet at magenta ang buenas.
Libra – (September 23-October 23) – Wag masyadong maging mahilig sa pagkain. Sa pinansiyal, mentras sexy kang tingnan mas maraming salapi ang darating. Sa pag-ibig, laging mag-exercise upang hindi maging chubby at ng hindi iwanan ng minamahal. Mapalad ang 6, 15, 24, 33, 42 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Babanam-Kebalam.” Maroon at beige ang buenas.
Scorpio – (October 24 – November 21) – May manghihikayat na naman sayo para magnegosyo, mag-ingat, may babala na ma-racket ka na naman. Sa pag-ibig, hinay-hinay lang sa pagmamahal, may babala na muli kang lumuha. Mapalad ang 4, 10, 19, 28, 35 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Narada-Nirayana-Om.” Maroon at purple ang buenas.
Sagittarius – (November 22 – December 21) – Ipayapa ang isipan. Nasa mabuting kalagayan ang iyong minamahal. Imbis na guluhin ang isipan sa labis na pag-aalala mag-concentrate sa mga bagay na pinagkakakitaan. Mapalad ang 4, 13, 22, 31, 34 at 44. Mahiwaga mong mantra: “Jana-Kaliyuga-Om.” Beige at magenta ang buenas.
Capricorn – (December 22 – January 19) – Huwag hayaang mangibabaw ang katigasan ng ulo. Sundin kung ano ang tama, sa ganyang paraan lalo kang yayaman at uunld. Sa tamang pag-ibig at sa tamang nilalang, maligayang relasyon ang mapapala. Mapalad ang 5, 9, 23, 31, 36 at 44. Mahiwaga mong mantra: “Govinda-Rama-Om.” Beige at white ang buenas.
Aquarius – (January 20 – February 18) – Hindi dapat magtiis at magsakripisyo alang-alang sa iba. Panahon na upang lumaban! Sa pananalapi, ang personal mong kaligayahan ang dapat mong iprayoridad. Mapalad ang 9, 16, 25, 35, 46 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Vasudeva-Devah-Om.” Pink at red ang buenas.
Pisces – (February 19 – March 20) – Panindigan ang sinabi noong nagdaang mga araw. Tuparin ang ipinangako sa minamahal na mamasyal kayo sa isang romantic na lugar. Sa pinansiyal, iwasang magpabago-bago ng isipan upang wag masira ang transaksyon. Mapalad ang 7, 13, 22, 34, 41 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Vajur-Veda-Om.” Yellow at lilac ang buenas.

Read more...