WELL, ang feeling namin, kawalan ni Anne Curtis ang napuntang role kay Maja Salvador sa seryeng Bridges Of Love ng ABS-CBN.
Bukod kasi sa siya ang love interest dito ng mga leading men na sina Jericho Rosales at Paulo Avelino, kontrobersiyal din ang karakter niya as a club dancer.
Agree rin kami sa sinabi ni Maja na ang importante, kahit second choice, siya pa rin ang final choice na bongga ring sinang-ayunan ni Echo by saying, “She is the best choice.”
Kilalang mahusay na dancer si Maja bukod sa pagiging best actress din nito kaya’t gusto na lang naming isipin, na yun ang inilamang niya kay Anne. Or baka hindi talaga keri ni Anne ang maging burlesk dancer sa teleserye.
And yes, agree kami sa opinyon ng marami na “the best choice” din si Paulo Avelino sa role na unang ibinigay kay Xian Lim. At nang malaman din naming magkakaroon ng kakaibang relasyon (as in intimate) ang role ni Paulo sa sinasabing most challenging role ever naman ni Carmina Villaroel sa soap, noon namin nakumpirmang perfect choice talaga si Paulo!
Base sa trailer na napanood namin, naghahamon ang husay ni Paulo sa intensity ni Echo as an actor. Ramdam naming kering-keri nitong makipagsabayan kung husay din lang sa drama ang pag-uusapan.
At mas magka-level naman ang hitsura ng mukha nila ni Echo bilang magka-patid na pinaghiwalay ng mga pangyayari sa kuwento.
Believe me BANDERA readers, isa na namang monumental moment sa primetime viewing ang Bridges of Love. No wonder na hindi ito tinanggihan ng kaibigan na-ting si Edu Manzano na nagbabalik-Kapamilya din as an actor bilang kontrabida. Sey nga ni Doods, “People will hate me here, pero marami ring mai-inlove sa akin dito.
Hindi naman nagbabago ang charisma natin sa audience sa totoo lang, ang nagbabago lang eh yung mga roles na ibinibigay sa akin. And this one is so hard to resist,” hirit pa ni Doods na feeling-matinee idol nga sa role niya. Ha-hahaha!
Mapapanood na ang Bridges of Love beginning March 16.