UAAP women’s volley do-or-die game ngayon

Mga Laro Ngayon
(Mall of Asia Arena)
2 p.m. NU vs ADMU (men finals)
4 p.m.  DLSU vs NU (women step-ladder semis)

MAGSASALPUKAN ang National University at De La Salle University sa isang sudden-death match ngayon para sa karapatang makasagupa ang defending champion Ateneo de Manila University sa UAAP Season 77 women’s volleyball Finals sa kanilang semifinals decider mamayang alas-4 ng hapon sa SM Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Ang Blue Eagles ay tatangkain namang makuha ang kauna-unahang men’s championship laban sa NU Bulldogs sa Game 2 ng kanilang best-of-three series sa pambungad na larong gaganapin alas-2 ng hapon.

Ang NU Lady Bulldogs ay nasa bingit naman ng pag-abante sa title round sa Final Four era matapos magtala ng dalawang must-win games sa step-ladder semifinals.

Ang Lady Bulldogs, na hindi kinonsidera bilang title contender matapos simulan ang season sa 2-3 karta, ay
hinatak ang second-ranked DLSU Lady Spikers sa isang rubber match matapos itala ang nakakagulat na 25-20, 25-20, 25-19 pagwawagi noong Miyerkules.

Bagamat nakatikim ng pagkatalo, inaasahan naman ang matinding resbak ng La Salle na hangad na muling makabalik sa finals.

Read more...