ITATANONG ko lang po sana kung pwedeng gamitin nang sabay ang SSS at PhilHealth Maternity pag manganganak na po ako? Hindi pa naman po ako buntis sa ngayon pero gusto ko lang po maging handa pag dating ng araw na
iyon. Voluntary po ang SSS ko at mag-aaplay pa lang po ako ng PhilHealth na voluntary din. Salamat po. Godbless.
Joan
REPLY: Bb. Joan:
Pagbati mula sa Team PhilHealth!
Patungkol ito sa in-yong email noong February 22, 2015 sa Aksyon Line hingil sa benepisyo na maaaring ma-avail sa PhilHealth sa iyong pa-nganganak. Nais po na-ming ipabatid na ang aktibong miyembro na mayroong tatlong buwang hulog sa loob ng anim na buwan ay maa-aring maka-avail ng benepisyo para sa maternity, kinakailangan lamang po ang ospital at ang duktor ay PhilHealth accredited. Ang benepisyo po ng PhilHealth ay hiwalay sa benepisyo na maaari nilang ma-avail sa SSS. Amin pong ipinapayo na sila po ay magpamiyembro kaagad bilang Informal Sector/Voluntary Member upang kung ito po ay kailanganin ay kanilang magamit. Maaari po kayong magpamiyembro saan mang tanggapan ng PhilHealth at bayaran ang kaukulang premium. Maaari rin po kayong magparehistro online sa pamamagitan ng link na ito https://www.philhealth.gov.ph/services/ matapos pong maibigay ang kanilang PhilHealth Idetification Number (PIN) maaari po silang magbayad saan mang Local Health Insurance Office o accredited collecting agents.
Maraming
salamat po.
CORPORATE
ACTION CENTER
Website: www.philhealth.gov.ph
Twitter: @teamphilhealth
Facebook: www.facebook.com/PhilHealth
Call Center:
441-7442
May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line? Maari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola St. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa jbilog@bandera.ph, jenniferbilog@yahoo.com.ph or jenniferbilog97@gmail.com.
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.
Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ 990AM sa Programang Let’s Talk; Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7 hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng Bayan tuwing Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga. Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ustream.tv/channel/dziq.