Mga ‘sagbot’ nagsulputan sa Tagum

KINASUHAN si dating Mayor Rey Uy ng Tagum City ng pagkamatay ng 82 katao, gangland-style, sa kanyang siyudad noong siya’y nasa puwesto pa.

Ang nagsampa sa kanya ng kasong multiple murder ay ang National Bureau of Investigation.

Ang Tagum sa Davao del Norte, na umunlad dahil sa gold mining sa mga karatig bayan, ay attractive sa mga drug addicts, drug pushers, drug traffickers, holduppers, mga akyat-bahay, bag-snatchers at mamamatay-tao.

Noong administras-yon ni Uy, kakaunti lang ang masasamang-loob na naglipana sa siyudad kaya’t tahimik ang Tagum.

Ang mga kriminal na matitigas ang ulo ay biglang nawawala o nakikita na lang na patay. Kasama na rito ang mga 82 na sinasabing pina-salvage niya na tinawag niyang mga “sagbot” (Bisaya sa masamang damo).

Nang siya’y umalis sa puwesto (hindi na siya puwedeng tumakbo noong nakaraang eleks-yon dahil naabot na niya ang tatlong termino), naging playground ang Tagum ng mga drug pushers at traffickers, mga holduppers, akyat-bahay, snatchers at mamamatay-tao.

Nagsulputan ang mga “sagbot” sa Tagum nang mawala na si Uy sa puwesto.

Maraming tahanan ay pinapasok ng akyat-bahay, ang droga ay mada-ling mabili sa kalye, takot ang mga residente na gumalagala sa kalye pagsapit ng dilim dahil baka sila maholdap o mapatay.

Maraming kabataan na ang edad ay 12 ay gumagamit ng shabu dahil mabibili raw ang shabu sa kalye ng P50 bawat gramo.

Nami-miss ng mga residente ang katahimikan sa siyudad noong administrasyon ni Uy.

Kilala ba ninyo si Uy na sinasabi ng NBI na mamamatay-tao at nagpasalvage ng 82 katao?

Mapalad ang inyong lingkod at nakadaupang-palad ko si Uy. Sasabihin ko sa inyo na hindi ako pipikit na si Rey Uy ay di makabasag-pinggan, mapagkumbaba at matulungin sa kanyang kapwa.

Nang dalawin ko si Uy matapos ang Supertyphoon “Pablo” na rumagasa sa Davao del Norte, Compostela Valley at Davao Oriental noong 2012, nakita ko siyang naghahanda ng mga pagkain sa kanyang bahay para sa mga biktima ng kalamidad sa kanyang siyudad at maging sa ibang lugar.

Nang una ko siyang makita napagkamalan ko siyang trabahador dahil nakababad siya sa carpentry work sa city engineering depot.

Si Uy ay gumagawa ng mga silya at mesa para sa classrooms sa iba’t ibang public schools sa bansa. Ang mga materyales ang galing sa mga illegal logs na nahuli ng siyudad.

Nang biniro ko ang mayor na nagmistulang “killing field” ang kanyang siyudad, sinabi niya sa akin na ang mga biktima ay mga pusakal na kriminal na binigyan ng warning na umalis sa siyudad pero nagpatuloy pa rin sa kanilang mga gawain.

Gaya ni Davao City Mayor Rody Duterte, na pinaghihinalaan din na nasa likod ng pag-salvage ng mga masasamang-loob sa kanyang siyudad, si Uy ay mahal na mahal ng taumbayan ng Tagum.

Parang tapos na ang recall election sa Puerto Princesa City at ang kulang na lang ay bilangan.

Si dating Mayor Edward Hagedorn at ang incumbent mayor na si Cecilio Bayron ang magkatunggali.

Ang pagpunit ni Bayron ng dokumento sa harap ng mga opisyal ng Commission on Elections (Comelec) na nangasiwa ng pagbilang ng signatures para sa recall ay isang act of desperation.

Alam na niya ang kahihinatnan ng eleksyon.

Nagalit si Bayron dahil di na pinagpatuloy ng Comelec ang pagbilang ng signatures na umabot na sa 24,413, na lampas na sa 15 porsiyento ng voting population ng siyudad.

Bumaba ang numero ng mga turista na dumarating sa Puerto Princesa na naging resulta ng economic slump ng siyudad.

Maraming hotels, restaurants at tourist shops sa lungsod na nagsara o nagbawas ng mga empleyado dahil sa mahina ang negosyo.

Kung mananalo si Hagedorn sa recall election, na maraming nagsasabi na isang foregone conclusion na, uunlad na naman ang lungsod dahil dadagsa na naman ang mga turista.

Read more...