Kyut ang mga eksena nina Jerome Ponce at Jane Oineza sa afternoon drama series nila na Nasaan Ka Nang Kailangan Kita pagkatapos ng Flordeliza sa ABS-CBN.
Nayaya na ni Jerome (Ryan) si Jane (Corrine) na mag-coffee sa labas at doon nag-share sila ng kani-kanilang thoughts.
Pagkatapos ay nagsimula na si Jerome sa panliligaw kay Jane.
Nagdala na siya ng flowers for Jane at kita naman na may kilig ang loveteam nila, huh! Naku, this is it! Hindi na kaya this is the start ng selosan between Jane and her close friend at basketball player na si Jeron Teng.
Habang nagpapakyut si Jerome kay Jane, heto’t nasasaktan naman si Chloe sa tuwing nakikita niya na magkasama ang dalawa. But at the same time, winarningan din ni Chloe si Jane na mag-ingat kay Jerome.
Sa day 4 ng Nasaan Ka Nang Kailangan Kita gaganda na ang pakikitungo ni Jane kay Jerome. At mahuhulog na talaga ng husto si Jerome kay Jane. Hanggang sa madi-discover ni Jerome na related pala sina Jane at Christian Vasquez.