Edu payag makasama sa pelikula sina Ate Vi at Luis…pero may kundisyon

By Julie Bonifacio March 07,2015
share this

Edu payag makasama sa pelikula sina Ate Vi at Luis…pero may kundisyon

By Julie Bonifacio March 07,2015
share this

edu manzano
NILINAW ni Edu Manzano na hindi totoo ang  lumabas na balita na  supposed to be ay magsasama sila ng anak niyang si Luis Manzano sa pagbabalik ng Kapamilya Deal or No Deal.  Meron daw ibang game show na in-offer sa kanya ang ABS-CBN pero ‘di pa niya masabi ang concept.

Malabo rin daw na gawin niya ulit ang game show na Game Ka Na Ba? just in case ibalik din ito ng ABS-CBN. “Well, kakausapin ko muna ang aking orthopedic surgeon kung kaya pa ng tuhod ko.

Ah, I think ‘papaya’ (dance moves niya sa nabanggit na game show) has already had it’s, you know, had it’s time, it’s time to move on to new things. ‘Yung mas magandang concept,” pahayag niya noong makausap namin sa presscon ng Bridges of Love.

Instead of a game show, sasabak muli sa aktingan si Edu sa bagong teleserye ng Kapa-milya network, ito ngang Bridges of Love na magsisimula na sa March 9 sa Primetime Bida ng ABS-CBN.

Makakasama ni Edu rito sina Jericho Rosales, Maja Salvador, Carmina Villaroel at Paulo Avelino. Tinanggap daw niya ang Bridges of Love dahil sa napaka-interesting ng kwento, “Exciting ‘yung project para sa akin at saka iba ang istorya.

Tingnan niyno habang nagde-develop. Trailer pa lang ang ganda na,” pag-anyaya niya sa amin to watch the program.
Kabugan din daw ng akti-ngan ang mapapanood sa serye, “Which is nice to kwan, kasi at the end of the day ang kailangan ma-please mo hindi lang ‘yung sarili mo kundi ‘yung audience.”

After the presscon, nagkita kaming muli ni Edu sa ABS-CBN later that day sa labas ng studio ng Deal or No Deal kung saan nagti-taping ang kanyang anak na si Luis Manzano.

In fairness, ang sipag-sipag ni Edu na mag-promote ng Bridges of Love, ha. Mula tanghali hanggang gabi ay nasa ABS-CBN siya. Syempre, inulan ng tanong si Edu tungkol sa relasyon ni Luis at girlfriend nitong si Angel Locsin.

Okey naman daw sila ni Angel. Pero tinanong si Edu kung okey pa rin sila ng ex-GF ni Luis na si Jennylyn Mercado.Okey naman daw sila ni Jennylyn. Nagbabatian sila kapag nagkikita.

But unlike him and Jennylyn, mukhang si Luis naman at ex niya ang hindi raw ata  okey until now. Posible raw kaya na maging “bridge” si Edu na magkabati na sina Luis at Jennylyn.

“Iba na kasing bridge  ang inaasikaso ko ngayon, e, Bridges of Love na,” biro ni Edu. Dugtong niya, “No, actually, she became my friend. Lagi kaming nagkikita, kahit sa labas, kasama niya ang Mama niya. Nagbabatian kami.”

Going back sa paggawa ng teleserye, hindi niya masabi kung after Bridges of Love ay magtutuluy-tuloy na siya sa paggawa ng soap, “As you know, may mga restaurant din ako na mga negosyo,.

Ah, I think now at the stage of my career I have the luxury of choosing the roles. You know, depende sa role. Kung maganda ang role bakit hindi?”

Tinanong din namin si Edu kung may possibility ba na gumawa siya ng movie with Batangas Gov. Vilma Santos kasama ang anak nila na si Luis.

“Alam mo ang problema dyan is ano, ‘yung billing. Syempre kasi ako ‘yung mauuna, mag-aaway ‘yung dalawa sa second billing. No, actually, the problem there is the story, ‘di ba? Ang story ngayon ay kwan, e, pero kami ni Luis nag-uusap kami.

Meron kaming isang konsepto na isang comedy movie. So, gusto naming magsama doon. Kailangan ma-develop muna ‘yung istorya.”

Hirit pa ni Edu, mas nakakatawa pa raw sa ginawa nilang TV commercial ni Luis ang comedy film na gusto niyang gawin with Luis.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending