ANGELICA nagsawa na…DEREK kung kani-kanino kumakabit?

True ba, pati si Sam Pinto kinalantari sa Australia?

Nadadamay ang pangalan ni Sam Pinto sa hiwalayang Derek Ramsay at Angelica Panganiban.

Ayon sa kuwento ay nakarating diumano kay Angelica na nu’ng nagkasama sa ibang bansa sina Derek at Sam ay nagkaroon sila du’n ng something-something.

Natural, walang babaeng makapapayag na meron pala siyang kahati sa puso at katawan ng kanyang boyfriend, pinag-awayan nila ang nasabing isyu hanggang sa mag-break na nga sila.

Pero nakausap kamakailan ni IC Mendoza si Sam Pinto, ayon sa dalaga ay never daw itong nagpunta sa Australia, nakatakda raw itong umalis pero hindi naman ‘yun natuloy.

“Takang-taka nga si Sam kung bakit siya nadadamay sa issue, e, wala naman siyang kaalam-alam tungkol sa sinasabing pagkikita raw nila ni Derek sa ibang bansa,” kuwento ni IC.Bukod kay Sam Pinto, ayon naman sa ibang impormante ay may iba pang pinag-awayan ang limang taon nang magkarelasyon, hindi na raw natagalan pa ni Angel ang pagiging playboy ni Derek.

Marami raw tagong pakikipagrelasyon ang hunk actor na nabubuking din naman ni Angelica, ang iba raw ay artista rin, ang iba naman ay mga non-showbiz.

Parang mahirap paniwalaan ang mga ganu’ng kuwento dahil halos nakatutok na nga ang panahon ng aktor sa kanyang girlfriend, ang alam naming tanging kahati ni Angelica sa atensiyon ng hunk actor ay ang kanyang pinakamamahal na frisbee, na nauunawaan naman ni Angelica.

Ang maganda lang sa kanilang paghihiwalay ay wala silang paninira sa isa’t isa, tahimik ang magkabilang kampo, away ito ng magkarelasyong edukado at may respeto sa isa’t isa.

Read more...