Alex kay Sarah: Wala naman siyang Dapat ikabahala sa amin ni Matteo!

ALEX GONZAGA, MATTEO GUIDICELLI AT SARAH GERONIMO

ALEX GONZAGA, MATTEO GUIDICELLI AT SARAH GERONIMO

Siniguro  ni Alex na walang dapat ikabahala si Sarah Geronimo sa pagtatambal nila ni Matteo Guidicelli sa Inday Bote.

Maayos naman ang relasyon nila ni Sarah, lalo na nu’ng magkatrabaho sila sa nagtapos nang The Voice of the Philippines.

“Actually, may nagtu-tweet sa akin, ‘Inaaway daw po kayo ng Popsters.’ Sinagot ko na, ‘Wala talaga,’ kasi si Sarah and even si Mommy Divine, dati ko nang kaibigan. Ganu’n din si Matteo and until now, kaibigan pa rin kami, so wala kaming magiging misunderstanding.

Dugtong pa ng TV host-actress, “Walang ganu’n, and I think happy naman si Sarah. Sinabi ko kasi kay Matteo, sabi naman ni Sarah daw, ‘Okay.’ Happy daw siya na magkasama (kami ni Matteo), kasi nga magkaibigan kami.”

Read more...