3 babae nagrambol sa MRT; operasyon natigil

NAGHARAP-harap ang tatlong babae sa opisina ng Cubao station ng MRT. BANDERA

NAGHARAP-harap ang tatlong babae sa opisina ng Cubao station ng MRT. BANDERA

NAPILITANG itigil ang operasyon ng Metro Rail Transit kamakalawa ng gabi matapos magrambulan ang tatlong babae habang sakay ng tren.

Sa panayam, sinabi ni Bandera editor-in-chief na si Dona Policar na alas-10 ng gabi noong Miyerkules nang mapilitan ang mga otoridad na itigil nang pitong minuto ang biyahe ng tren sa Cubao station matapos mag-away-away ang tatlong pasaherong babae.

Ayon kay Policar, nagsimula ang gulo nang matamaan ng isang pasaherong babae ang isa pang babaeng pasahero, dahilan para sabunutan ito ng huli.

“Then the two women, including a minor hit the third woman, a call center agent,” dagdag ni Policar.

Ayon pa sa kanya, matapos matamaan ay sumali na rin sa rambol ang call center agent.

Sapilitang pinalabas ng mga security guard ang tatlo na tumanggi pa noong una.

“After almost an hour of arguing at the guard’s station, the three decided to settle amicably. The two women apologized,” dagdag ni Policar. “The third woman, the call center agent, refused to apologize, insisting that she was the aggrieved party.” —Inquirer

Read more...