Warning kay Alex: Sobrang ambisyosa…biglang babagsak

ALEX GONZAGA

ALEX GONZAGA

MARAMING kilay ang nagtaasan nang lumabas ang balitang magkakaroon ng malaking concert itong starlet na si Alex Gonzaga sa Araneta Coliseum very soon entitled “The Unexpected Concert”. Kaya napagtripan nila ito ang gawing titulo dahil “unexpected” nga raw na may nagtiwala sa kaniyang mag-show sa Big Dome.

“Anong feeling ni Alex Gonzaga? Anong tingin niya sa sarili niya – ka-level ni Anne Curtis na kahit hindi talaga legit na singer ay kayang punuin ang Araneta? Iba si Anne, malayong-malayo sila ni Alex. Napakalayo – milya-milya at dapat aware si Alex doon.

“Wala pang napapatunayan itong Alex na ito kaya wag siyang mag-ilusyon na makokopya niya ang fate ni Anne as a concert artist. Cute si Anne, may charisma samantalang itong si Alex ay wala talagang karapatan for an Araneta show,” talak ng isang kaibigang reporter na nanayo ang balahibo nang mabasa niya that our dear friend Joed Serrano is gambling on her.

Kahit kami ay nagulat nang malaman naming seryoso ngang magku-concert itong si Alex sa Araneta. Parang malabo ngang mapuno ang napakalaking venue. Hindi namin ma-imagine kung paano tatauhin ang Araneta. Nag-iilusyon ba itong si Alex Gonzaga? Ano nga ang feeling niya sa kaniyang sarili, Superstar na?

And wait ha,  ganito na ba ang kalakaran sa industriya natin? Sinusugalan ang isang namey? Hasus garbanzos tomato sauce, Alex. Hindi sa minamaliit namin ang kakayahan mo (pero sa totoo lang, may karapatan talaga tayong maliitin ang kakayahan niya kung usapang-Araneta ang isyu) pero sana nag-isip-isip man lang siya kahit konti. Kahit sabihin pa niyang mas magaling siyang kumanta compared sa ate niyang si Toni pero hindi man lang ba siya hinintakutang mag-show sa Araneta? Nag-iisip ba ang batang ito nang matino?

“Hindi naman siya ang may gusto niyan eh, inalok lang naman siya kaya wala siyang choice kungdi ang tanggapin,” depensa ng isang close friend niya.

Hoy! Kailan ba ipinagbabawal ang tumanggi? Nasa tao iyan kung alam niya kung hanggang saan lang ang kapasidad niya. Puwede ba? Huwag ngang i-justify na wala siyang choice.

Tigilan nga kami. No offense meant sa kanilang mag-anak, kung talagang hilig niya ang pagkanta and feeling niya ay gusto niyang mag-concert, she should have declined the Araneta offer and tested the waters first sa maliit na venue.

Try Music Museum or Teatrino or tulad ng Ate Toni niya dati na nag-Aliw Theater muna before she plunged into the bigger venues. Unang-una, what does she have in her name para tauhin siya? Hindi pa nga umeere ang Inday Bote sa ABS-CBN – meaning, hindi pa sure kung magki-click ito sa tao.

Sa kantahan naman, wala pa naman siyang kantang napasikat or what. Sa status ng paghu-host ay starlet na starlet ang dating niya – para nga lang package deal sila ni Toni. Kaya dapat sa kaniya ay tumanggi muna sa ganito kalaking venue. Kaso hindi eh – sobra rin ang bilib sa sarili kaya sinunggaban agad. Ang ganitong mga artists ang malakas ang pagbagsak dahil masyadong ambisyosa. Nakakaloka!

“Tama ka, kafatid. Too soon. Sobrang maaga for her to jump into such a decision. Kaya habang maaga pa, puwede pa siyang mag-back-out. Wala namang ibang maaapektuhan nito pag nag-flop kungdi siya rin. Unless, her family buys all the tickets at ipamigay sa mga kababayan nila sa Taytay, Rizal kung saan vice mayor ang tatay nila,” sambit ng isang record executive na nakausap namin.

Read more...