DEREK matagal nang gustong iwan si ANGELICA?

Naghanap lang daw ng magandang tiyempo para hiwalayan

A FEW days ago ay may nagbulong sa akin na talagang pinaghiwalay ng isang kampo sina Derek Ramsay at Angelica Panganiban.

Hindi man kasama sa kontratang pinirmahan ni Derek sa TV5 ang pakikipaghiwalay sa kanyang girlfriend pero it’s an unwritten rule daw bilang apple of the eye of the said network.

“Ano naman ang kinalaman ng kontrata niya sa TV5 sa six-year romance nila ni Angelica, sige nga?

Ipaliwanag nila ang tsismis na meron talagang nag-utos kay Derek na hiwalayan niya si Angelica habang nasa TV5 siya. “Kaya nga siya binayaran ng more than P300 million na contract in three years, pero nasa kundisyon daw niya iyon, na huwag muna siyang mag-GF. Iyon ang sabi sa amin ng sources namin.

Nakakaloka kung pakaisipin ninyo, sa tinagal-tagal ng panahon ng pagsasama nila, there were times na nagkakatampuhan din sila ni Angelica pero hindi sila nauwi sa paghihiwalay.

“Mas matindi pa nga ‘yung ibang mga away nila in the past pero nagagawan nila ng paraan para magbati at magkaayos.

Pero nitong lumipat siya sa TV5, naiba na ang ihip ng hangin.

Rumors pa nga lang ng kiyemeng relasyon with John Lloyd Cruz na nakasama niya sa shooting sa Vietnam, dumiretso na ang break-up?

Parang napakaimposible naman yata. Bilang artista rin tulad ni Angelica, puwede niyang isiping promo slant lang ‘yung pagka-link ng GF kay Lloydie, di ba?

“Naghanap lang sila siguro ng dahilan para paghiwalayin talaga ang dalawa dahil meron nga raw nagbabawal kay Derek na magka-girlfriend habang nasa network.

I told you,” sabi ng aming source na parang gusto ko nang paniwalaan.

Nagkausap nga kami ni kafatid na Jojie Dingcong, business manager ni Derek, di ba? Sinabi nga nito na walang ganoong scenario.

Kahit siya nga raw mismong manager ni Derek ay never nakialam sa lovelife ng alaga niya.

Pero para sa ilang nakakausap namin, parang hindi nila matanggap ang paliwanag ng kampo ni Derek.

Siya pa ang mismong nag-announce sa Twitter account niya na hiwalay na sila ni Angelica.

Wala naman daw third party. Kung wala, ano iyon?

Hindi naman puwedeng sabihing hindi na nila na-patch up ang whatever little differences nila dahil they had even worse in the past na nagawan nila ng paraan.

Unless linawin nilang mabuti sa atin ang tunay na reason kung bakit sila nag-break.

Or naghahanap lang talaga si Derek ng kahit maliit na butas para mahiwalayan si Angelica? Poor girl, nagamit lang sa sitwasyon.

Kasi nga, nu’ng very much on sila, they involved the public at ngayong wala na sila, I guess may karapatan din ang same public to know the real truth, di ba?

Wala namang pilitan pero a slice lang of the truth hindi yung pinaiikot lang sila ng kung anek-anek na dahilan.

At bakit bigla ang pananahimik ni Angelica?

Why can’t she speak her heart and mind now? Imposible naman iyon.

Is it something weird and kakaibang reason kung kaya mahirap i-explain? Well, just asking.

We’d like to hear the right reasons from Derek Ramsay too. Be man enough to explain the real reason.

Kung hindi mo ma-explain, hahayaan na lang ba nating mag-float ang isang malaking speculation?

‘Yung pagiging apple of the eye mo sa bago mong network? Just let us know, anytime, OK?

Read more...