Mamahalin ba kahit di gwapo? | Bandera

Mamahalin ba kahit di gwapo?

Pher Mendoza - March 04, 2015 - 03:05 PM

DEAR Manang,

Hingi lang ako ng advice. Ako po si Miss Pisces, may BF po ako na parang asawa ko na rin kasi may nangyayari na sa amin.

Tanggap naman niya ang lahat ng nakaraan ko pati yung dalawang anak ko sa magkaibang lalaki. Mahal na mahal niya ako kasi di siya gwapo as in down talaga.

Kailangan ko ba siyang tanggapin kahit di ko siya ganon kamahal?
Miss Pisces
Ms. Pisces, kailangan ba talaga na gwapo s’ya para tanggapin at mahalin?

Hindi mo ba s’ya kayang mahalin kahit hindi s’ya kagwapuhan?

Iyon ba ang balakid sa iyong pagmamahal at pagtanggap sa kanya o meron pang ibang mga dahilan?

Look at the bigger picture, tanggap n’ya ang mga anak mo at tanggap ka n’ya.

Suriin mong mabuti ang kanyang pagkatao at huwag lamang pisikal na aspeto ang maging basehan mo.

May maayos ba s’yang trabaho? Kaya ba n’yang bumuhay ng isang pamilya? Ipagkakatiwala mo ba sa kanya ang kinabukasan n’yo ng mga anak mo? Isa ba s’yang taong may matinong pananaw at pangarap sa buhay?

Don’t commit the same mistakes with the first two father of your kids. Maging mapanuri at gamitin mo din ang iyong right senses to make a good judgment.

Give him a chance, who knows?

Ang payo ng tropa:

Sabi nga nila: Juice colored! Ikaw pa, ikaw pa talaga ang maarteng magtanong kung tatanggapin mo siya bilang BF mo dahil sa pangit ito.

Sobrang ganda mo naman ateng para magmaganda ka nang bonggang bongga!

Pero ikaw pa talaga ang naghahanap ng dahilan para ituloy ang relasyon mo sa iyong hindi gwapong BF.

Yun lang ba talaga ang basehan mo — ang kagwapuhan para mahalin mo wholeheartedly ang iyong BF. Hindi lahat sa pisikal lang makikita ang kahalagahan ng isang tao. Isipin mo na lang bakit ka tinanggap ng BF mo sakabila ng iyong mga nakaraan?
Julie via Facebook

Hi Miss Pisces,
Well, eto lang ang masasabi ko sa ‘iyo, ikaw nga natanggap niya ang nakaraan mo, medyo mahirap sa isang lalaki na ang kanilang mamahalin o minahal ay may mga anak na.

Pero hindi naging ba-lakid yun sa kanya, kasi mahal ka niya, so ano pa ang inaarte mo diba? Aba, para na pala kayong mag-asawa sabi mo nga, eh di go na girl mahalin na nang todong -todo at tanggapin siya nang buong-buo.
Tandaan mo walang nilalang na pangit ang ating Panginoon!

Jenny B. via Facebook

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Aanhin mo naman po ang gwapo kung aanakan ka lang ulit at iiwanan? Tinanggap naman nya ang lahat sa ‘yo kaya tanggapin mo din ang lahat sa kanya. Hindi naman po nababase sa mukha ang katapatan ng isang tao.
Ce Li Na via Facebook
vvv
May problema ka ba sa love life, relasyon sa pamilya o kaibigan, pera o kaya ay sa trabaho, tanungin si Manang at ang tropa at baka sila ay makatulong. I-email ang inyong problema sa bandera.manang @gmail.com o i-text ang MANANG, pangalan, edad, lugar at mensahe sa 09999858606.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending