User friendly si kabayan | Bandera

User friendly si kabayan

Susan K - March 04, 2015 - 03:03 PM

IBA-iba ang estilo ng tao kapag may pangangailangan. Iba rin ang estilo ng Pinoy kapag may kailangan — lahat gagawin para makuha ang gusto.

O di kaya naman ay isusugal ang lahat para matupad ang hangarin sa buhay.

Ito ang kuwento ni Miriam, OFW sa Europa. Mahigit 10 taon na siyang nagtatrabaho roon. Stay out siya. May sariling bahay na tinutuluyan at malaya siyang magpatuloy o magpatulog nang sinuman na naisin niya.

Naging magkaibigan sila ng Pinoy OFW na si Dalton. Magkapit-bahay lamang sila kaya halos magkasabay silang lumalabas sa umaga upang magtrabaho at nagkakasabay din sa pag-uwi.

Single mother si Miriam. Iniwan ‘anya siya ng asawa at sumama ito sa ibang babae sa kanilang probinsya. May dalawa silang anak na nasa pangangalaga ng kaniyang mga magulang.

Tatlo hanggang apat na bahay ang pinaglilingkuran nito sa buong maghapon. Sa Europa naman kasi, per ora ang bayad sa bawat trabaho na kanilang pinapasukan. May hawak siyang maraming susi ng mga bahay na pinagtatrabahuhan.

Maglilinis siya, maglalaba at kung may special request, lulutuan pa niya ang may-bahay. Tapos, lilipat na naman siya sa ibang bahay, hanggang sa matapos ang buong maghapon.

Si Dalton naman, ayon sa kuwento niya kay Miriam, may asawa at limang anak na binubuhay sa Pilipinas. Walang trabaho si misis kung kaya’t siya lahat ang sumusuporta sa kanila.

Bukod pa sa mga matatanda nang mga magulang, na sa kanila nakatira, may dalawa pa siyang kapatid na tinutulungan din na makatapos sa pag-aaral.

Isang bahay lamang ang pinapasukan ni Dalton.

Naging close ang dalawa.

Minsan may natanggap na malaking bonus si Miriam mula sa boss na kumita ng malaki sa negosyo, kung kaya’t nagkyan sila ni Dalton.

Matapos mag-dinner, nag-bar ang dalawa. Naparami ng inom ang dalawa at alam n’yo na ang kasunod na nangyari.

Natulog na si Dalton sa bahay ni Miriam hanggang sa nasundan pa iyon ng ilang beses. Bandang huli, nagsama na ang dalawa sa bahay ni Miriam.

Ilang buwan ang lumipas at nawalan ng trabaho si Dalton. Palibhasa’y nasa bahay siya ni Miriam, nanatili ito sa kaniyang tahanan at siya na ang tagalinis at tagaluto sa kanilang bahay.

Okay lamang kay Miriam ang ganoong set-up. Alam niyang pansamantala lamang iyon at makakakuha din muli ng trabaho si Dalton.

Noong unang buwan, kay Miriam siya nanghiram nang ipinadala sa pamilya at nasundan pa ng maraming mga buwan. Dalawang pamilya ang pinadadalhan ni Miriam ng sustento. Si Dalton kapal ng mukha ang puhunan.

Panay na lamang ang pangako kay Miriam na babayaran ang lahat pag nagkatrabaho.

Sa huli, nakaramdam si Miriam na ginagamit lamang siya ni Dalton. Nalaman niyang pag wala siya sa bahay, nakaka-extra pala ang lalaki at hindi man lang ito binabanggit sa kanya, at patuloy na iniaasa sa kanya ang lahat ng gastusin pati ang pagpapadala sa pamilya nito.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Bagamat napamahal na sa kanya ang lalaki at pikit-mata niyang pinalayas si Dalton na tinagurian niyang user-friendly. Matagal din anya silang nagsama nito pero ni minsan ay hindi siya sinabihan nang mahal siya nito.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending