Mga mensahe ng pakikiramay, pasasalamat bumaha sa pagpanaw ni Jam Sebastian

jamich sebastian

BUMAHA sa social media ang mensahe ng pakikiramay at pasasalamat matapos ang pagpanaw ni Jam Sebastian,  ng YouTube sensation na  Jamich.

Naging number 1 ang “RIP Jam” sa mga nag-trending sa Twitter sa buong mundo. Pinasalamatan ng mga netizen si Sebastian sa pagbibigay ng kasiyahan at hiling nila ay nasa mas magandang lugar na ito matapos ang ilang buwang pakikibaka sa stage 4 lung center.

Namatay si Sebastian, 28, ganap na alas-10:30 am ngayong Miyerkules sa St. Lukes Medical Center sa Bonifacio Global City.
Kinumpirma ng nanay ni Sebastian na si Maricar ang pagpanaw ng anak, sa pagsasabing namatay ito ganao na alas-10:30 ng umaga ng Miyerkules.

Sa isang post sa kanyang Facebook account, pinasalamatan ng fiancee ni Sebastian na si Mich Liggayu ang Diyos at hindi na ito maghihirap.

“Pray tayo ulit. But this time mag thank you tayo kasi magiging happy na si Jam with God. Di na siya mahihirapan. Let’s pray na mapuno siya ng love and peace. Angels of God, embrace Jam. Protect him. Lead him, God,” sabi ni Liggayu.

Idinagdag ni Liggayu na walang anumang salita ang makakapagpaliwanag sa nararamdaman niyang kalungkutan.

“We love you Jam Fernando Sebastian. I’m sure magiging sobrang ganda and happy ng birthday celebration mo sa Heaven. Sana madream kita na ipaalam mo lang samin na masaya ka na and healthy ulit with God. Thank you for everything… No words can explain. Until we meet again…” dagdag niya.

Nauna nang hiniling ni Sebastian sa kanyang pamilya na isailalim na siya sa “mercy killing” bagamat hindi pumayag ang kanyang nanay.

Nagpaabot naman ang mga tagahanga ng dalawa sa social media ng kanilang pakikidalamhati sa pamilya ni Sebastian.

 

Read more...