NAGPAPAPAYAT pala si Iñigo Pascual ngayon. Marami raw kasi ang nagsasabi sa kanya na malaki ang cheeks niya kaya nako-conscious. Dahil diyan he’s doing something para lumiit man lang ang kanyang pisngi.
Actually, napansin din namin ang medyo mataba pero hindi naman kalakihang cheeks ni Inigo sa first movie niya na “Crazy Beautiful You.” But nonetheless, okey naman ang performance niya sa movie bilang third party sa Daniel Padilla-Kathryn Bernardo loveteam sa movie.
“Syempre po nandu’n ‘yung feeling na I could have done better. Pero I’m happy with what I’ve done. Ah, my first movie under Star Cinema, nandiyan ‘yung parang first major na iyak scene ko.
So, I’m really happy with it. Okey naman po. I’m really very happy with the outcome and I hope people liked it,” pahayag ni Inigo.
In fairness, malakas din ang kilig kapag pinapakita sila ni Kathryn sa screen.
Malay natin baka sa mga darating na araw magtambal sila uli sa pelikula or teleserye, “Ah, hahaha! Ayokong sagutin ‘yan baka patayin ako ng Kathniel. Hindi ano, super fan ako ng Kathniel.
At hindi ko po alam kung paano sagutin ‘yun.” Tinanong namin si Inigo kung hindi ba siya nailang na katrabaho si Gabby Concepcion na gumanap bilang father niya sa “Crazy Beautiful You.” Knows naman natin na si Gabby ang tatay ni KC Concepcion na ex-girlfriend ni Piolo Pascual, ang ama ni Inigo.
“Hindi naman po. I didn’t think about it, to be honest. Like when I get to the set, I said hi and introduced myself. Sabi ko it’s so cool to be working with you and Tita Lorna (Tolentino) as well.
At ano siya, sobrang masayahin na tao, sobrang makulit. Actually, may isang scene doon na parang pictorial lang. Lagi siyang naka-peace sign. Pinagtatawanan namin siya dahil syempre siya ‘yung dad sa movie pero parang siya pa ‘yung bata sa set. Nakakatawa po siya,” kwento niya.
Hindi naman daw nila napag-usapan si KC on the set, “It’s not a big deal to us anymore and it’s not something that we should discuss anymore. It’s never a problem in the set.”
Madalas naman daw niyang makita si KC sa ABS-CBN. Pero hindi raw sila nagbabatian, “Ah, hindi po kami masyadong magkakilala,” sambit niya.
Anyway, si Inigo ang last dance ni Julia Barretto sa kanyang debut. Sabi ng iba, special daw dapat ‘yung tao na kapartner ng debutant sa last dance. So, special siya kay Julia.
Pero sabi ni Inigo, pareho raw special sa kanya si Julia at ang first screen partner niya na si Sophia Andres. “Label namin ni Julia? Uhm, I’d say, best friends,” ngiti ng binatilyo.
Pero may tsika na sumama ang loob ni Sophia noong makipaghiwalay si Inigo sa kanya. “Ah, kinausap ko naman po siya. I don’t think sumama yung loob niya.
“I mean, we’re good friends and I told her we should not let our job affect our personal lives. We both agreed on that and sinabi namin, totoo nga we’re still young. I mean, this is our job and we have to deal with it,” paliwanag ni Inigo.