Itaga n’yo na sa bato: Kris hindi tatakbo sa 2016 polls

MALINAW ang binitiwang pahayag ni Kris Aquino na wala siyang balak na tumakbo sa anumang posisyon sa darating na 2016 elections.

Sa kanyang pakikipag-usap sa mga reporter, sinabi ni Kris na meron siyang mga pinimahang kontrata sa kanyang mga commercial endorsements nito lang isang linggo na nagsasaad na hindi siya tatakbo sa anumang public office sa darating na halalan.

“And there’s a clause there that in the event I change my mind and run, I will reimburse them the full cost of the production, the full cost of my contract, times two,”  paliwanag ng kapatid ng pangulo.

“So definitely I have no plans (to run),” pagdidiin pa nito. “But definitely, I will campaign, because there are many people I owe a debt of gratitude to, many people I believe in and who I want to help,”  dagdag pa niya.

Read more...