Hinagpis ng isang ina

I WILL do a Mon Tulfo and write something personal today.

Hindi perpekto ang buhay ng tao. May mga perpektong intensiyon o layunin pero walang perpektong resulta. Ang naghihintay sa dulo ay hindi laging naaayon sa kung ano ang nais nating mangyari sa ating buhay.

The irony of my profession as a journalist is that I could dig and unearth the real stories behind the most important issues that affect our country and people and bring that story as banner headlines for the day and yet fail in knowing and even identifying what is the real story behind the depression of my own child who on the surface looked and appeared to be happy and living a life of a normal teenager.

Totoo ang depression at ito ay may iba’t ibang mukha at may iba’t ibang manipestasyon. Totoo rin na hindi ito madaling makita lalo pa’t kung ito ay malapitan at nasa harapan mo na. It could be a denial or it could be the product of your own perfect picture of a happy teenager who happens to be your own.

Kapag nangyari na ang isang kasapi ng pamilya, lalo na at anak ang nasa gitna ng depresyon, ang unang-unang tanong ng magulang, lalo na kung siya ay solong magulang, ama at ina, ay saan siya nagkulang, at ano ang kanyang mga pagkakamali o kung ano ang kanyang nagawang kasalanan?

Kulang ba ang pagmamahal ko? Labis ba ang pagmamahal ko? Naging maluwag ba ako? Naging mahigpit ba ako? Naging labis ba ang tiwala ko? Nagkulang ba ang tiwala ko? Sa panig ng magulang ay napakaraming tanong.

Then one realizes the truth that it’s not about them anymore, not about their past, not about what they did or what they did not do but rather about the individual involved.

Finding oneself, knowing who you are and asserting who you are as against the norms and dictates of family, society and even religion or spiritual beliefs is an act that only the person involved can resolve for himself or herself.

May mga katotohanang dapat tuklasin ang bawat indibidwal sa kanilang sarili at maaaring ito’y dumating ng maaga o kalaunan pa sa buhay ng tao na maituturing na bahagi ng araw-araw na paglalakbay.

Sa ating mga anak, darating ang yugtong ito at hindi maaaring ihalintulad ito sa ating sariling karanasan noong tayo ay nasa kanilang edad o noong tayo ay nasa antas ng kamulatan.

Totoo ang generation gap at idugtong na diyan na totoo ang environmental and societal divide ng panahon noon at ngayon. Iba ang paraan ng kanilang pagmulat sa ngayon kaysa noon at napakalaki ng ambag diyan ng internet at kung ano ang mundong kanilang nakikita o nasusumpungan on line.

Napakalawak ng mundo ng internet at ang katotohanan ay lahat ng bagay ay malalaman mo dito at sa lahat ng mga malalaman mo dito, naroon ang panganib o pagkakataon na doon mahubog ang larawan ng reyalidad o paniniwala na aangkop sa kung ano ang nararamdaman mo o kung ano ang inaakala mong kalagayan mo.

The battle between reality and the world on line clashes no more as it becomes a collision that forms another truth and a new reality that is neither right nor wrong for the individual.

Walang panghuhusga, walang sukatan, walang pagtalikod. Ang pinakamahalaga, anuman ang pagkakaiba, anuman ang tunay na sanhi, kalabisan o pagkukulang, anuman ang tama o mali, sa dulo ng prosesong pagdaraanan ng magulang at anak ay ang kahandaan ng mananatili at laging bukas na bisig na pagtanggap sa mga pinili o pipiliing gawin o tahakin ng anak, ng supling na ngayon ay isa ng malayang indibidwal na pinakawalan ang sarili sa inakala niyang hawla ng pamantayan ng pamilya at lipunan upang maging maligaya.

Maraming magbabago sa ating buhay sa patuloy nating paglalakbay ngunit ang pagmamahal ng ina sa kanyang anak at ng anak sa kanyang ina, sa kanyang magulang ay isang bagay na mananatili magpakailanman.

Read more...