KathNiel movie kumita ng P110-M sa loob ng 5 araw

daniel padilla
Umabot na sa P110 million ang kinita ng pelikula nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo na “Crazy Beautiful You” sa loob lang ng limang araw.

Personal na nagpasalamat si Kathryn sa madlang pipol nang mag-guest ito sa The Buzz noong Linggo. Hindi naman nakarating si Daniel sa programa dahil meron daw itong prior commitment.

“Again, gusto kong magpasalamat sa inyong lahat. Sobrang saya namin. Lahat ng hard work ng team, nagpe-pay off. Maraming, maraming salamat. Sa lahat ng nagpa-block screenings na mga fans namin, thank you so much.

Pupuntahan namin lahat hangga’t kaya namin,” sey ni Kathryn. Noong opening day ng pelikula, kumita agad ito ng P32 million, isa sa mga pelikula ng Star Cinema na nakapagtala ng pinakamataas ng kita sa opening day.

Inaasahan na aabot pa sa P200 million mark ang kita ng nasabing pelikula dahil na rin sa dami ng fans nina Daniel at Kathryn, bukod pa yan sa magagandang reviews mula sa iba’t ibang entertainment blogs at websites.

Very soon naman ay sisimulan na nina Kath at DJ ang bagong teleserye nila sa ABS-CBN, ang remake ng classic series na Pangako Sa ‘Yo kung saan makakasama nga nila sina Angelica Panganiban at Jodi Sta. Maria bilang sina Claudia Buenavista at Amor Powers.

Read more...