Relo ang b-day gift ni Miguel kay Bianca

miguel tanfelix
Birthday kahapon ng GMA teen star na si Bianca Umali, she just turned 15.

Pahinga si Bianca yesterday dahil wala silang taping for Once Upon A Kiss, ang GMA Telebabad series nila ni Miguel Tanfelix. Ngayong araw naman magre-resume ang taping nila para sa sitcom na Ismol Family.

Isang watch ang iniregalo kay Bianca ni Miguel. Noong Sunday nagkasama ang magka-loveteam para sa birthday production number ni Bianca sa Sunday All Stars.

Samantala, sa pagpapatuloy ng Once Upon A Kiss ngayong gabi, makikita ni Giselle ang kalat at iuutos niyang linisin ito kay Fiona. Makikita ni Giselle ang scrap book na naglalaman ng mga pictures nina Prince at Ella.

Pati ito ay ipapatapon niya sa basura. Dumating ang kinabukasan at excited na rin si Ella na makipagkita kay Prince. Ayaw niyang malungkot kahit na alam niyang magkakalayo sila.

Nangyari na rin daw sa kanila yun noon at kahit magkalayo sila at matagal na hindi nagkita, mananatili pa rin ang friendship nila. Pupunta si Ella sa lugar kung saan niya hihintayin ang pagdating ni Prince.

Hindi naman agad makakapunta si Prince kay Ella matapos niyang malaman na nawawala ang scrap book na ginawa niya. Naitapon na raw ito sa basura kaya agad na aalis si Prince sa pag-asang makita pa ito.

Pero huli na dahil nadampot na ito ng mga basurero.  Mababanggit pa ni Sebastian na dadalhin ito sa segregation center. Hindi pa rin susuko si Prince at magpapasama siya kina Sebastian at Hansa sa segregation center para hanapin ang scrap book ni Ella.

Read more...