Karylle, Marian pareho nang may asawa; wala nang dapat pag-awayan

karylle
NAKATUWAAN lang namang napag-usapan sa It’s Showtime sa portion ni Vice Ganda yung tungkol sa past lovelife ni Karylle lalo na sa tanong kung nakaranas ba siyang ma-two time ng ex-BF niya.

Honest namang sinagot iyon ni Karylle ng “yes” kay nag-create na naman ito ng uproar mula sa kani-kanilang fans.
Kasi nga, di naman lingid sa kaalaman ng lahat na nagkaroon ng something between Karylle and Dingdong Dantes noon at nang mag-break sila biglang pumasok ang pangalan ni Marian Rivera dahil siya ang ipinalit ni Dingdong kay Karylle.

Kung paano pumasok sa eksena si Marian ay hindi na natin batid though may speculation before that Marian stole Dingdong away from Karylle.

But you know, it was talked about in the spirit of fun lang naman – nothing serious anymore dahil pare-pareho na silang kasal sa kanilang respective partners.

Karylle seems to be happily married na naman to Yael Yuzon while Marian and Dingdong recently got married.  So, why the big fuss still? Di ba dapat ay tahimik na. Wala nang kung anik-anik?

Unless hindi pa naka-move on si Karylle dahil sa break-up nila ni Dingdong before mukhang siya ang more affected at parang balewala lang that time kay Dong.

Basta, If I were them, deadma na sa sitsit na ito para hindi na ma-blown out of proportion dahil wala na naman silang mapapala rito. May mga kaniya-kaniya na silang pamilya.

Read more...