Rayver ipinagdarasal ang baby ni Cristine

cristine reyes
Maligaya si Rayver Cruz para sa ex-girlfriend niyang si Cristine Reyes, na kamakailan lang ay nagsilang na sa kanyang unang baby.

Ibinalita ni Rayver na bago pa man daw mag-announce si Cristine na siya’y buntis, nag-usap daw muna sila.  “Kami kasi ni Cristine sobrang magkaibigan pa rin kami.

Sabi ko sa kanya sobrang happy ako para sa kanya dahil alam ko ever since gusto niya talaga pagdating niya ng ganitong edad, gusto niya magkaroon ng family, ‘yun ang gusto niya.

Parang nanay na siya sa mga pamangkin niya at nakikita ko na wife material talaga siya. “I’m very happy for her and nakita ko naman sa Instagram post niya na sobrang happy siya.

‘Yun ang okay although ‘yung baby parang seven months pa lang. Pero pinagpi-pray naman naming lahat and kaya naman ‘yan basta two months pa nasa (incubator),” sey pa ni Rayver na napapanood sa Two Wives.

Read more...